Sunday , November 3 2024
Teddy Boy Locsin Alan Peter Cayetano DFA
Teddy Boy Locsin Alan Peter Cayetano DFA

Bagong DFA Secretary pinuri ang mga nagawa ni Cayetano sa DFA

MAS napahusay sa ilalim ng pamumuno ni Alan Peter Cayetano, ang pagpoproseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo.

Ito ang pahayag kamakailan sa social media ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinuri ang mga ipinatupad na reporma ni Cayetano sa panahon ng kanyang panunungkulan sa ahensiya.

“A lot of the front line work done by DFA so well is done by contractuals like passports which Alan did so much to improve,” anang Foreign Affairs Secretary habang nagpa­pasalamat sa mga magagandang pagbabago na nagawa ni Cayetano.

Dahil rin sa pagsusumikap ni Cayetano, mas umikli ang oras ng paghihintay para sa paglalabas ng passport sa anim na araw. Resulta ito ng mga programang ipinatupad simula pa noong isang taon kasama ang pagdadagdag ng kapasidad ng DFA na tumanggap ng bugso ng mga aplikante. Kasama rito ang pagtanggap ng payment sa e-payment scheme at ang pagbu­bukas nang mahigit 10,000 slots simula 12 noon hanggang 9:00 pm, Lunes hanggang Sabado, hindi kasama ang holidays.

Mula sa 9,500 pasaporteng naipoproseso araw-araw noong Mayo ng nakaraang taon, umabot sa 20,000 pasaporte ang kayang iproseso ng DFA sa isang araw. Hindi pa kasama rito 2,000 aplikante tuwing Sabado sa Aseana, 8,000 apli­kante araw-araw mula sa walong bagong bukas na consular offices, at 1,600 aplikante araw-araw mula sa dalawang mega vans ng Passport on Wheels.

Upang mapataas ang kapasidad, gumawa ng mga hakbang ang Department of Foreign Affairs, kasama na rito ang paglulunsad ng e-payment portal na tumaas ang showup rate ng mga aplikante mula 65 porsiyento ay naging 95 porsiyento at lalong pinabilis ang pagproseso ng papeles kaya naman mas maraming aplikante ang natatanggap ng DFA.

Inilunsad din ang Passport on Wheels (POW) na itinalaga sa 201 lokasyon as of September 19, at napagsilbihan ang mahigit 200,000 applicants sa buong bansa.

Binuksan ang tatlong consular offices sa Ilocos Norte, Isabela at Laguna. Mayroon pang ibang consular offices na bubuksan bago matapos ang taon sa Bulacan, Cavite, Rizal, Davao del Norte, Misamis Occidental at Tarlac.

Kinansela din ng DFA ang mga pekeng appointment. Inaresto at kinasuhan ang mga fixer. Nakahuli na ang PNP at NBI nang mahigit 27 suspected fixers at sinampahan ng kau­kulang kaso na dinidinig na ang mga kaso sa korte.

Gumawa rin ang DFA ng hakbang upang maging maayos at mabilis ang pagproseso ng passport applications.

Binago at inayos ang appointment system upang ang mga aplikante ay makita nang personal ang mga takdang araw ng mga available slots. Noon ay kailangan pa ng mga aplikante na i-click ang bawat date upang malaman ang mga bakanteng slots.

Naglagay ng feedback mechanism upang sa gayon ay malaman ng mga aplikante ang ano­mang problema sa kanilang ipinasang apli­kasyon at aabisohan din sila kung ano ang kailangan na isumite upang maging kompleto ang kanilang papeles. Ang email ay ipinapadala sa aplikante 48 oras matapos ang evaluation ng kanilang papeles.

Binago na rin ang disenyo ng sistema sa mga prompt sa mga aplikanteng puwedeng dumaan sa courtesy lane na hindi na nila kinakailangan dumaan sa online appointment

Maliban sa mga pagbabago ng pagpoproseso ng pasaporte, inuna rin asikasohin ni Cayetano ang kapakanan nang milyon-milyong OFWs sa buong mundo. Sa panahon ng kanyang panu­nungkulan sa DFA, sinagot ng ahensiya ang exit fines, iba pang penalties at airline tickets ng mga uuwi nating kababayan. Dagdag rito, binigyan rin sila ng tulong pinansiyal.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *