Sunday , December 22 2024
stairway to heaven footbridge Mount EDSA biyaheng langit footbridge
stairway to heaven footbridge Mount EDSA biyaheng langit footbridge

P10-milyong ‘joke only’ ang ‘biyaheng langit’ na ‘footbridge’ sa EDSA Kamuning, QC

ISANG malaking “joke only” ang footbridge sa EDSA Kamuning ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA).

At ang joke only na ‘yan ay nagkakahalaga ng P10 milyones mula sa taxpayers money.

Matatagpuan ‘yan sa EDSA Kamuning malapit sa estasyon ng MRT. Steel footbridge na siyam na metrong mas mataas sa power lines ng MRT-3.

Lalagyan daw ito ng escalator, at inaasahang matatapos sa 15 Nobyembre 2018.

Ayon kay MMDA General Manager Jose Arturo “Jojo” Garcia Jr., makaraang mag-viral sa social media ang retrato ng footbridge at tahasang binira ng netizens, ang sobrang taas na ‘inconvenient’  footbridge ay hindi para sa persons with disability (PWDs), senior citizens, at mga buntis.

Para raw ito sa mga taong matitigas ang ulo at patuloy na tumatawid sa nasabing lugar kahit ipinagbabawal.

Sino naman kaya ang pupunta o daraan riyan sa ‘footbridge’ na parang nag-mountain climbing na kapag diyan sila tumawid?!

E kung malula pa at mahulog sa EDSA, e di mas lalong ‘freak accident.’ Hindi nga nasa­gasaan sa pagtawid kundi nasagasaan matapos mahulog at malasog ang katawan.

Hindi natin alam kung saan napunta ang utak ng mga government official na ganito mag-isip. Sa ngalan nga ba ng kaligtasan ng pedestrian ‘yan o sa ngalan ng kickbacks?!

Wattafak!

“The main purpose of the footbridge is for people to safely cross on the other side of the street. The footbridge provides maximum comfort for pedestrians,” ani Garcia.

Hak hak hak! ‘Yan na ba ang ibig sabihin ngayon ng ‘maximum comfort?’

Puwes, patunayan mo ‘yan GM Garcia at diyan ka tumawid araw-araw ha. Pakiimbita na rin ang PTV4, ABS CBN at GMA7 na ipakita sa telebisyon kapag tumatawid ka riyan tuwing umaga.

Ang layunin lang po niyan, ipakita ninyo sa publiko kung ano ang ibig sabihin ng ‘maximum comfort.’

O kaya pakisilip tuwing umaga ang talam­pa­kan ninyo, baka naaapakan na ninyo ang utak ninyo, e madulas pa kayo!

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *