Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Neil Arce
Angel Locsin Neil Arce

Angel at Neil, together pa rin

HABANG isinusulat namin ito, nasa Amerika pa ang mag-sweetheart na sina Angel Locsin at Neil Arce. Nagbabakasyon sila roon. Nag-post sila sa kanilang Instagram separately ng pics nila na magkasama. Ini-re-post naman ng fans ni Angel ang mga litrato ng dalawa bilang pruweba na ‘di totoo ang mga naglabasang kuntil-butil sa social media network na hiwalay na sila.

Matagal na kasi na walang ipino-post na mga litrato nila ang mag-sweetheart na aktres at negosyante.

Bago si Neil, si Luis Manzano ang boyfriend ni Angel (at si Bela Padilla naman ang ex ni Neil). Naaalala n’yo bang sweet na sweet din sina Angel at Luis habang nasa US sila together at ilang araw lang pagkabalik nila sa Pilipinas, sumambulat ang balitang break na sila.

Later, inamin din nila na noong mga huling araw nila sa US together, nagpasya silang magbi-break sila sa Pilipinas pagkauwi nila. Sa pagbabakasyon nila na silang dalawa lang, may mga nadiskubre sila sa isa’t isa na nagbigay-liwanag sa kanila na ‘di talaga sila bagay sa isa’t isa at hindi sila magiging masaya kung magkakatuluyan sila.

‘Di kaya ganoon din ang mangyari kina Angel at Neil sa Amerika? Sana naman, hindi.

Actually, hindi naman nila first time mag-travel together sa ibang bansa. Nakapaglakbay na rin sila sa Japan last year. ‘Di naman sila napabalitang nag-break pagbalik nila mula sa Japan.

Wala naman sigurong kung-anuman sa Amerika na nakakapagpaudyok na maghiwalay ang mga mag-sweetheart na Pinoy pagkagaling nila roon.

Samantala, baka marami nang nai-taping na episodes si Angel para sa serye n’yang The General’s Daughter sa Kapamilya Network. Tinatantya na lang siguro ng network kung kailan ang perfect timing para simulan na ang pagpapalabas ng serye na may pagka-action heroine yata ang papel ni Angel.

Sa tantya ng ABS-CBN drama production executives mas tama na unahin ang pagpapalabas ng Halik nina Jericho RosalesSam MilbyYen Santos, atYam Concepcion. Kaka-hype (matinding publicity) lang ng network ng pagkakagulpi ni Lino (Jericho) kay Ace (Sam) noong mahuli n’ya itong nakikipaghalikan kay Jade (Yam) na misis ni Lino.

Ang mga kasama ni Angel sa The General’s Daughter ay sina Albert Martinez, JC de Vera, Ryza Cenon, at ang loveteam nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Si Emmanuel Palo ang direktor nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Kuh, ‘di kayang talunin ng mga batang singer

Kuh, ‘di kayang talunin ng mga batang singer

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …