Wednesday , November 6 2024
robin padilla
robin padilla

Robin, anti-dynasty pero suportado ang pagtakbo ng magkakapatid na Duterte

IBANG social media ang ginamit ni Robin Padilla, dahilan para umani siya ng pamba-bash lately.

Matatandaang tinanggal ng Facebook ang kanyang account bunga ng kanyang mga post. Ito’y sa kasagsagan ng kanyang pagbatikos sa noo’y aarestuhing si Senator Antonio Trillanes IV na pansaman­talang sumilong sa Senado.

Bagama’t wala na siyang FB account ay sa ibang paraan naman inihayag ng action star ang kanyang opinyon hinggil sa political dynasty.

Ani Robin, ang nasabing sistemang ito na naisasalin lang ang kapangyarihan sa mga miyembro ng pamilya ang para sa kanya’y malaking problema ng political landscape sa ating bansa.

Pero kasunod naman nito’y ang pagpabor niya sa sabay-sabay na pagtakbo (although sa magkakaibang puwesto) ng mga anak ni Pangulong Duterte: si Paolo o Polong sa pagka-Congressman, si Sarah o Inday bilang reelectionist as Davao City Mayor, at si Baste bilang ka-tandem ni Sarah.

Kinukuwestiyon tuloy ng netizens kung alam nga ba ni Robin ang kahulugan ng mga katagang political dynasty.

Self-contradicting nga naman ang kanyang pananaw ukol dito. Kontra siya, pero suportado naman niya ang pagkandidato ng magkakapatid na Duterte.

Wala kasing iniwan ang paniniwala ni Robin sa pagsasabing against siya sa korupsiyon, pero may basbas naman mula sa kanya ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. So, ano ba talaga?

Kung kami kay Robin ay itatanim namin nang pagkalalim-lalim sa aming isip na bagama’t bahagi ng isang tunay na demokrasya ang freedom of expression o malayang pagpapahayag ay susuriin muna naming mabuti kung ano ang aming sasabihin.

And in the case when whatever we say needs to be posted ay sisiguraduhin muna naming hindi kami maba-bash ‘pag ipinost namin ito.

Walang tama o mali sa pagbibigay ng opinyon huwag lang sasamahan ng facts.

Sa political dynasty stand ni Robin, sana’y ipinaliwanag na lang niya kung bakit ‘di siya pabor dito. Pero ang siste, may reference pa siya ng partikular na pamilyang nagpapalaganap nito.

Kung magbabanggit din lang kasi tayo ng mga politikong nais hawakan ang kanilang kapangyarihan forever, aba, hindi lang ang First Family ang mangunguna sa listahan.

Nariyan din ang mga Binay (ang magkapatid na Abby at Junjun na magkalaban pa sa mayoral race sa Makati City), Cayetano ng Taguig City, Revillang Cavite and the list goes on and on.

Malinaw ang stand ni Robin, he’s anti-political dynasty.

Sumablay nga lang siya sa pagpapaliwanag based on his given example.

At ang inaasahan nang susunod siyempre pa ay ang pamba-bash sa kanya.

Samakatuwid, si Robin na rin ang nag-imbita para okrayin siya ng bonggang-bongga.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *