Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Trillanes GGV Vice Ganda Bea Alonzo
Aga Muhlach Trillanes GGV Vice Ganda Bea Alonzo

Pag-boykot kay Vice Ganda at sa It’s Showtime, ipinanawagan

BOYCOTT Vice Ganda. Boycott It’s Showtime. Boycott Gandang Gabi Vice.

Ito ang panawagan ng isang FB user (na kasagutan namin based on our common political color) sa gay TV host-comedian.

Bunsod ito ng recent interview ni VG sa mga pangunahing bida ng latest Star Cinema offering na sina Aga Muhlach at Bea Alonzo. Personally, hindi man namin napanood mismo ang nasabing episode ay nakatisod kami sa FB ng post mula sa Pinoy Ako Blog (PAB) na kumondena sa sagot ni Aga sa tanong ni VG kung ano ang masasabi nito kay Senator Antonio Trillanes.

Pabor kay Pangulong Duterte ang reaksiyon ni Aga na pinakitaan ng malaking litrato ng senador. Todo puri ang aktor sa kahanga-hangang gawain ni PRD, kaya ang payo niya SenTri ay tumigil na ito.

Ayon sa FB user (na obyus na maka-Trillanes) na mismong nakapanood ng episode na ‘yon, hindi kaibig-ibig ang pampo-provoke (or act of instigation) na ginawa ni Vice Ganda.

Agad naman kaming dumepensa sa TV host. Kursong AB Political Science ang kinuha noon ni VG sa FEU, pero hindi niya natapos. But what’s laudable o kapuri-puri kay Vice Ganda ay ang katotohanang bukod sa aware siya sa mga kaganapan sa politika’y may sense ang kanyang mga binibitawang opinyon.

Iboykot—panawagan pa rin ng FB user na isang doctor—na rin ang Aga-Bea movie (separately, isang political columnist ng isang tabloid [hindi Hataw] ang hindi na nagtaka kung bakit below expectations ang kinita ng pelikula sa unang araw ng showing nito.

Kung makapuri raw si Aga kay Duterte, wagas!

Kung pagtanaw daw ‘yon ng utang na loob o pagpapakita ng pasasalamat sa Pangulo na sumilip sa burol ng kanyang amang si Cheng ay nagkakamali raw si Aga.

Para sa impormasyon na rin daw ng aktor, napadaan lang daw—at hindi talaga sinadyang dalawin—si Presidente sa Heritage Park. Ibang burol ang ipinunta roon ng Pangulo.

Nakalimutan na rin daw ba ni Aga na noong tumakbo siya (pero olat) sa Bicol ay nakatiket siya sa Liberal Party, at hindi sa partidong kinakatawan ng Pangulo?

Oh, well…

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

 

Kuya Boy, sobra-sobra ang na-achieve

Kuya Boy, sobra-sobra ang na-achieve

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …