MAHAHARAP sa kasong “high treason” o pagtataksil sa bayan ang alkaldeng mapatutunayang sangkot sa illegal drugs.
“It is high treason if you do that to your country. So, iwasan ninyo ‘yan. I’m not saying that it’s all about money, but you can have comfortable lives if you are a mayor. Just avoid drugs,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) Luzon Island Cluster Conference sa SMX Convention Center sa Davao City kamakalawa.
Hinimok ng Pangulo ang mga alkalde na gampanan ang kanilang mandato sa publiko nang may integridad, katapatan at pananagutan.
“As a former mayor myself, I understand the difficulties you are facing as you fulfill your mandate. That is why I am striving to provide our local governments the capability to address these difficulties through reforms and harness the potential of local businesses and promote good governance, especially at the local level,” anang Pangulo.
Binigyan diin ng Pangulo, ang kanyang kampanya kontra illegal drugs ay walang puwang sa kompromiso.
Kaugnay sa halalan, tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga alkalde ang buong proteksiyon at bibigyan sila ng dalawang unipormadong security escort habang sa mga kritikal na lugar ay magtatalaga ng mga sundalo.
ni ROSE NOVENARIO