Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Irene Villamor Nadine Lustre

Direk Irene, pinangaralan ang basher ni Nadine

TATAHI-TAHIMIK lang si Carlo Aquino kung ano ang next project n’ya pagkatapos ng napakamatagumpay sa takilya na Exes Baggage nila ni Angelica Panganiban, ‘yun pala ay abalang-abala na siya sa shooting bilang leading man sa latest film project nila ni Nadine Lustre, ang  Ulan, sa direksiyon ni  Irene Villamor.

Naka-12 araw na pala sila ng syuting. Si Villamor ay ang nagdirehe ng  Sid & Aya (Not a Love Story) na naging matagumpay sa takilya sa kabila nang parang ‘di gaanong pagkaka-promote nito. Sina Anne Curtis at Dingdong Dantes ang mga bida sa pelikulang ‘yon.

Pero ngayon pa lang ay kontrobersiyal na ang pagtatambal nina Nadine at Carlo for the first time. May isang netizen na tinawag na “Flop Queen” si Nadine kaya biglang itinambal kay Carlo para madamay sa  suwerte ng ex ni Angelica.

Itinuturing ng nagtaray-tarayang netizen na “flop” ang P92-M na kinita sa Pilipinas ng Never Not I Love You nina Nadine at James Reid.

Ang orihinal na leading man ni Nadine sa Ulan ay si Xian Lim, ayon sa announcement noong June 2018 ng Viva Films na producer ng pelikula. Pero ‘di itinuturing na box office star ang boyfriend ni Kim Chiu.

Samantala, P300-M na nga ang kinita ng Exes Baggage, na idinirehe ni Dan Villegas.

Ang direktor ng Ulan ang sumagot sa Instagram sa panlalait kay Nadine.

Pangaral ni Direk sa basher ni Nadine, “The world is already full of hate that any ill wish to anyone should be treated back with kindness, with an understanding of the soul and not with apathy to the human condition. 

“Spread love, my dear. Let us not add to the drudgery. And that is for everyone too. I thank you. My first response and last.”

Parang next year pa naman ipalalabas ang Ulan na magtatampok din kina Marco Gumabao at AJ Muhlach.

Tungkol sa tatlong klase ng romantic love ang Ulan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …