Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Coco Martin
Regine Velasquez Coco Martin

Songbird, gusto ring lumabas sa Ang Probinsyano

BASHED na bashed ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez dahil sa mga tinuran nitong salita sa muli niyang pagbabalik sa kanyang nauna namang tahanan sa ABS-CBN na bilang pagpapatunay eh, nagpakita pa ng mga clip ng mga nasalangan  na niyang palabas sa nasabing estasyon.

Pero iintindihin na nga lang lahat ni Regine at ng kanyang asawang si Ogie Alcasid ang opinyon ng mga nagpapahayag ng kanilang saloobin sa kanilang social media accounts.

Kumbaga sa labanan, a homestretch, may nanalo na!

Sa tuwi naman may lipatan, talagang may masasabi at masasabi ang mga sawsawero at sawsawera.

Maski nga ang anak nina Regine at Ogie na si Nate ay ‘di nakaalpas sa malaking pagtataka kung bakit nasa ABS-CBN na ang ina.

Pero sabi nga ng mag-asawa, ”Nate is a bright boy. Naipaliliwanag naman namin sa kanya ang mga bagay-bagay na gaya nito.”

Sa isang nagbigay ng kanyang opinyon, pinansin nito ang tila parang palamuti na lang na papel ni Regine sa mga show na sinasalangan nito sa nilisang estasyon.

Ngayon, mukha namang hindi magkakandaugaga si Regine sa mga gagawin niya na nagsabing hindi na nga niya alam kung hanggang saan at ano pang panahon siya makakakanta.

Kaya bukod sa ASAP, may sitcom ito kasama ang asawa at si Ian Veneracion, judge sa Idol Philippines at tiyak lalabas na sa iba pang shows sa Kapamilya gaya ng GGVMMKUmagang Kay GandaMagandang BuhayTonight with Boy AbundaThe Bottomline, name it.

Inaabangan na nga ang paglabas niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinuntirya rin si Regine nang sabihin niyang sa katapat na palabas nito na isa siyang diyosa eh, walang nakaalam na mayroon pala siyang serye. At panay nga ang palabas ni Coco Martin ang sinasabi sa kanya.

How can you argue with that?

Reyna na ang nagsabi, eh!

Hindi nga lang Diyos. Kundi Diosa sa ibang estasyon.

‘Di mo rin alam?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo


Sekswalidad, karapatan, tampok sa Pink Filmfest 2018

Sekswalidad, karapatan, tampok sa Pink Filmfest 2018

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …