BIG fan pala at idol ng child actor na si Kenken Nuyad ang mahusay na host/comedian, Vic Sotto dahil bukod sa mabait ito ay mahusay pang umarte at magpatawa.
At kahit nakapag-guest na ito sa Eat Bulaga ay hindi pa niya name-meet ng personal si Bossing Vic, pero alam nitong mabait at napakahusay nitong actor.
Bukod kay Bossing Vic, paborito rin niya ang mga actor na sina Dingdong Dantes, Ruru Madrid, Sef Cadayona, Coco Martin, John Prats, Jayson Gainza, at Daniel Padilla.
Malaki nga ang pasasalamat nito dahil nakatrabaho niya si Coco sa FPJ’s Ang Probinsiyano na pinuri ang pagiging mahusay at mabait ni Coco. Isa rin sa dream ni Ken Ken ang makatrabaho si Daniel.
After nga nitong manalo sa Cinemalaya 2018 ng Special Jury Award For Acting para sa pelikulangLiway at School Service, nagkasunod-sunod na ang proyekto ng alagang ito ni Jenny Exequiel Molina ng Russell’s Talent Agency.
(JOHN FONTANILLA)
Andi, ‘di iiwan ang pag-arte kahit tumira sa isla
Kendoll, naiyak nang tanghaling Best New Male TV Personality
WEMSAP, kinabog ang ibang beauty pageant
Ryan Kolton, wish makatrabaho si Liza Soberano
Papa Obet ng Barangay LS 97.1, haharanahin ang mga Pinay