Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Archie Alemania Maine Mendoza Alden Richards Aldub Juancho Trivino
Archie Alemania Maine Mendoza Alden Richards Aldub Juancho Trivino

Maine, ginawang katatawanan

GALIT ngayon ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza kay Archie Alemania. May kuhang video kasi si Archie natinutukso nito si Juancho Trivino tungkol sa relasyon umano nila ni Maine.

That time, ay nasa Cebu ang dalawa, kasama ang co-stars nila sa Inday Will Always Love You na sina Ruru Madrid, Buboy Villar, at Derrick Monasterio. Hindi rin nagustuhan ng fans na ginagawa umanong katatawanan si Maine ng mga kaibigan ni Juancho.

Dahil dito, bina-bash nila si Archie. Damay na rin sina Ruru at Buboy. Si Juancho, noong una pa lang ay bina-bash na ng Aldub Nation, mula nang ma-link siya kay Maine.

Kahit sinabi na ni Maine noon, sa ginawa niyang open letter para sa mga fan nila ni Alden, na magkaibigan lang sila ng aktor, at hindi magkarelasyon, ay umaasa pa rin talaga ang mga ito na mauuwi sa totoong buhay ang loveteam ng dalawa.

Siguro, inisip lang nila, na noong gawin ni Maine ang open letter ay wala pa talaga silang relasyon ni Alden, at puwedeng maging sila, pagdating ng panahon, ‘di ba?

Kaya hindi nila siyempre matatangap na may iba nang karelasyon si Maine, kung totoo man ang sinabi ni Archie sa kanyang video.

(ROMMEL PLACENTE)


Maricel-Sharon movie, hiling ng fans
Maricel-Sharon movie, hiling ng fans
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …