Monday , December 23 2024
Anne Curtis Aurora Yam Laranas
Anne Curtis Aurora Yam Laranas

Aurora, isang taong pinaghandaan; Anne, mabilis na-in love sa istorya

PAGKALIPAS ng anim na taon, muling nasilayan si Direk Yam Laranas sa ginanap na announcement ng four last final entries para sa 2018 Metro Manila Film Festival sa Club Filipino.

Si direk Yam ang direktor ng Aurora ni Anne Curtis na isa sa Top 4 na naunang ihayag ng pamunuan ng MMDA nitong Agosto na co-produced nila ng Viva Films.

Ang huling pelikula ni direk Yam ay ang The Road produced ng GMA Films, na pinagbidahan nina Carmina Villaroel, Rhian Ramos, Barbie Forteza, Marvin Agustin, Derrick Monasterio, Louise de los Reyes, TJ Trinidad, Ynna Asistio, Lexi Fernandez, Renz Valerio, at introducing si Alden Richards.

“Oo, ako ang nag-introduce kay Alden sa pelikula, sa ‘The Road’ siya unang napanood. In-audition pa namin si Alden dito,” ito ang pagmamalaki ni direk Yam dahil nga sikat na ngayon ang aktor.

Eh, bakit nga ba ang tagal nawala ni direk Yam? “Kasi half of the year  nasa L.A (Los Angeles, USA) ako. Nagsusulat ako, gumagawa ng script whatever. After kasi ng ‘The Road,’ gumawa ako ng small film parang passion project about the ‘Abomination’ na ipinalabas sa Sinag Maynila, it’s a super low-budget.”

Nahihirapang sabihin sa amin ni direk Yam na hirap siyang gumawa ng pelikula na kailangan lang gumawa para may maipalabas.

“Hirap kasi kapag wala ‘yung puso mo into it, eh. Mahirap mag-isip ng story na alam mo ‘yun, ibibigay mo heart and soul, two years mo isusulat para magawa,” kuwento ng direktor.

Marami namang nag-aalok na magdirehe siya ng pelikula pero nahihirapan siya kasi, “not for being maarte or what, If I want to make a film kasi, first of all I wanna make it as much as great as I can, as good as I can na tipong matutuwa ‘yung producers ko, matutuwa ‘yung audience ko, at mailalagay ko ‘yung posters ko sa, alam mo ‘yun magiging proud ako. Ang gusto ko, not easy to find ‘yung writing (script).”

May ginawa siyang pelikula sa L.A at Toronto, Canada, “pero something happened with the film, eh. Medyo legal problems with them, okay naman I got paid, so happiness (ako).”

Sa pagpapatuloy pa ng direktor, “So, eventually, Gin (De Mesa), my wife wrote a script, itong ‘Aurora,’ sabi niya, ‘sulat mo nga tulungan mo’ so ganoon. Tapos inisip ko kung sinong artista ang bagay na gumanap, sino bang artista ang kilala ko? 

“Friend ko si Anne (Curtis), I have a script, basahin mo nga, binasa naman, alam mo reaksiyon niya, ‘I want!  I want to do this!’ But what’s next? What do we do forward?

“Si Paolo Fernandez who is the owner of Aliud Entertainment has a relationship with Viva, ako rin may relationship with Viva and Anne is a Viva artist, so, this added up together, sabi ko kay Anne, ‘I’ll pitch to Viva.’ Sabi ko kay Paolo, ‘pitch natin sa Viva.’ One time lang, Viva wanted to do it, sabi nila, ‘we want to do it, gusto naming gawin ito kasi si Anne palang so in love with the story right away.”

Bahagyang ikinuwento na ni direk Yam ang karakter ni Anne sa Aurora na may-ari ng isang maliit na restaurant.

“Anne owns a small bed and breakfast na umang bahay na nai-convert ito Inn. Sa madaling salita, Airbnb na matatagpuan sa batuhan na hindi ka talaga kikita. Anyway, they use this as an operation center na nagre-rescue na sila ng mga dead bodies from the Aurora ship, so the stories starts’ late na, meaning tapos na ‘yung rescue.

“After that, noong wala na ‘yung mga nakatirang pamilya na naghahanap ng lost members of their families or the coast guard, offers Anne na babayaran siya kung may nahanap siyang patay.

“We shot this in Batanes and I stayed there for almost a month, pero halos one year kaming nag-prepare. Pinag-aralan namin ‘yung tubig ng Batanes. I even studied free diving as in walang oxygen para lang I know how to go on shoot with my camera. Sa awa ng Diyos ‘yung natutuhan ko, hindi nakatulong kasi ang likot ng waters sa Batanes but ang kagandahan kasi roon, all the dots connected talaga, the producers, the actors, they wanted to do it maski sa Batanes pa,” seryosong kuwento ni direk Yam.

Walang ibang artistang nasa isip ang direktor na puwedeng gumawa ng Aurora at wala ring love interest dito ang TV host/actress.

Ang mga kasama ni Anne sa Aurora ay mga artistang masasabing bawal ang hindi marunong umarte dahil halos lahat mahuhusay.

“We have Marco Gumabao, Allan Paule, Sue Prado, Mercedes Cabral, Andrea del Rosario, Ricardo Cepeda, Ruby Ruiz. So, sa acting part of it, wala na akong problema sa kanila. Hindi ko na siya iisipin dahil ang gagaling nila.

“We shot this for 25 days at we started from June. So, ngayon we do fine tuning kasi maraming special effects. Special effects for the sake of telling the story, hindi siya super-natural or fantastic. We put a big ship at the rocks of Batanes. We have a great team doing it. Kaya maaga kaming natapos,” pagmamalaki ng direktor.

In fairness sa tuwing ipinakikita ang trailer ng Aurora sa mga sinehan ay iisa ang naririnig naming komento, “ang ganda, ang ganda.”  Maganda naman kasi talaga ang horror film na ito ni direk Yam na mapapanood na sa Disyembre 25.

Pero bago ito ay may isang pelikulang ipinrodyus ang Aliud Entertainment at Viva Films, ang All Souls Night  na mapapanood na sa Oktubre 31 na pagbibidahan ni Andi Eigenmann.

Huling tanong namin kay direk Yam, box office hits o awards?

“Alam n’yo it’s the same question ask na anong gusto mo, kikita ka para makagawa ng pelikula.

“To me, when I make a film I want an audience as many as possible. So, ‘yung audience na ‘yun will match to a box office siguro ‘pag maraming nanonood.

“The awards I cannot say that I want, it’s good to be recognized. Masarap naman talagang nare-recognize, eh. Pero parts (trophies) na ibibigay ay parang icing of the cake na lang ‘yan. Parang pasasalamat mo na lang din ‘yun na para sa puso mo.

“Kaya sa box office ako kasi equals the number of audience, meaning ang daming nanoood. Eh, ‘yun lang naman ang pinaka-best gift sa filmmakers,” paliwanag mabuti ni direk Yam.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *