Wednesday , March 22 2023
Allan Paule All Souls Night

Allan Paule, napakaitim ng budhi

NAGTAGUMPAY si Yam Laranas para takutin ang kanyang manonood sa pelikulang handog ng Viva Films at Aliud Entertainment, ang All Souls Night na mapapanood na simula ngayon, October 31.

Isa kami sa nakapanood ng pelikulang pinagbibidahan nina Andi Eigenmann, Yayo Aguila, at Allan Paule sa premiere night nito noong Lunes ng gabi sa SM Megamall at napasigaw at napagod kami dahil sa katitili at paghihintay ng solusyon kung paano ba matatalo ni Andi ang kasamaan ni Allan na pinasok ang katawan ng demonyo.

Effective palang manakot si Direk Laranas na tamang-tama sa panahong ito. Kaya kung hanap ninyo’y katatakutang pelikula, sugod na sa mga sinehan ngayong araw at panoorin ito.

Sa All Souls Night, magaling na naipakita ni Allan ang sobrang kaitiman ng budhi niya nang ikulong sa isang lumang bahay sina Yayo at anak nito gayundin ang nama­sukang katulong si Andi. Roo’y sunod-sunuran ang tatlo kay Allan na kahit pinagtang­kaan na siyang patayin ay hindi mamatay-matay.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Klea Pineda

Klea Pineda umaming gay, member ng LGBTQIA+

RATED Rni Rommel Gonzales INAMIN ni Klea Pineda na isa siyang gay nang ipagdiwang niya ang kanyang …

Amy Austria

Amy Austria naisnab din ng ilang youngstar sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales SA panahon ngayon, normal na para sa mga veteran at senior …

Samantha Lopez

Samantha masaya ang buhay kahit walang lovelife

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS si Samantha Lopez, pero masaya siya kahit walang karelasyon. Ano ang …

Jos Garcia Rey Valera

Jos Garcia pabalik-balik ng ‘Pinas at Japan sa dami ng proyekto

MATABILni John Fontanilla BUMALIK na sa Japan ang International Pinay singer na si Jos Garcia na roon …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco umamin sa tunay na relasyon nila ni Cristine

MA at PAni Rommel Placente SPOTTED lagi sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na magkasama at sweet na sweet. …

Leave a Reply