TINANONG ang dalawang bida sa First Love kung sakaling binata pa siya ay posibleng maging sila ni Bea, ”o naman, kami na!” mabilis na sagot ni Aga.
Kinilig naman si Bea, ”Diyosko naman, oo naman. Hello ate Charlene (Gonzales).”
Magaan ang trabaho kapag parehong magaling ang artista dahil madali nilang makuha ang gusto ng direktor. Eh, kaso sobrang perfectionist ni direk Paul.
“Si direk Paul ganito ‘yan, eh, ‘oh, you’re good, it was a good take, Bea, you’re good, but (need) one more (take) please?’ Kaya ‘di ba, hindi mo alam na iisa pa kasi pinuri ka na, lahat good, tapos isa pa pala. Tapos kapag okay na isa-isa naman niyang tatanungin ang buong staff niya kung okay at nagustuhan nila at saka palang sasabing ‘good take.’ Tumatawang muwestra pa ni Aga.
Mapapanood na ang First Love sa Oktubre 17 nationwide produced ng ABS-CBN Star Cinema, Ten17 Productions, at Viva Films.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan