Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, sumasailalim pa rin sa theraphy

ONGOING pa rin pala ang physical therapy session ni Angel Locsin. Ito ang nalaman namin sa aktres nang makipaghuntahan ito sa ilang entertainment press pagkatapos ng paglulunsad ng kanyang Avon Fashions X Angel Locsin.

Anang aktres, patuloy pa rin ang taping nila ng The General’s Daughter hindi lamang niya masabi kung kailan ito mapapanood.

Sa The General’s Daughter, muling makikitang mag-aaksiyon ang aktres pero nilinaw nitong may mga limitasyon siya at sumasailalim pa rin siya sa physical therapy sessions para paghandaan ang mas physical scenes sa teleserye.

Anang aktres, “Ongoing pa rin naman siya, para i-ready ko rin ‘yung katawan ko para sa next-day taping. Kung alam kong may mabigat na fight scene, gabi pa lang nagpa-pa-PT (physical therapy) na ako, para pagdating doon, walang problema.

Isang sundalo ang karakter ni Angel at sinabing iniingatan naman din siya ng production team.

“They’re very careful sa mga ginagawa, naka-assist naman.”

“After naman din ng ilang procedure, medyo OK-OK naman ako. Ingat-ingat na lang din talaga. Hindi na po puwede ng gaya ng dati, na ganoon kalikot. Ngayon, after ng mga eksena, ice pack, kasi may mga fight scenes din kami,” paliwanag pa ng aktres.

Bukod sa The General’s Daughter, dalawang pelikula ang gagawin pa ni Angel, isa sa Star Cinema at isa sa independent production.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …