Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cargel Carlo Aquino Angelica Panganiban Maja Salvador

Hindi ako ang third party — Maja

SA guesting nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa Gan­dang Gabi Vice kamakailan, para sa promo ng movie nilang Exes Baggage, sinabi ng huli na naging gilfriend din ng una si Maja Salvador.

Pero hiwalay na raw naman sila noong nagkarelasyon ang dalawa (Carlo-Maja).

Sa rebelasyon na ‘yun  ni Angelica, naging dahilan ‘yun para ma-bash si Maja ng mga fan nila ni Carlo. May ilang nagsabi, na laging naninira ng relasyon si Maja, na gaya raw ng ginawa nito sa rating magkarelasyon na sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Si Maja nga rin daw ang third party sa hiwalayan nina Angelica at Carlo, kahit pa sinabi na nga ni Angelica na break na sila ni Carlo, noong manligaw at nakarelasyon nito si Maja.

Sa panayam ng Pep,ph kay Maja, idinenay nito na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Carlo at Angelica.

Hindi ako third party, kasi bago nanligaw sa akin si Carlo, ang dami pang girls noon bago pa siya nanligaw sa akin,” sabi ni Maja.

Dagdag pa ni Maja, kung siya ang third party, sana ay naapektuhan ang friendship nila ni Angelica, pero hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila.

At saka kung ako ang third party, kilala natin si Angelica, ‘di dapat dati pa lang inaaway-away niya ako. Very open siya, eh. Nagsasalita naman ‘yun palagi. Sabi ko nga, may mga interview talaga na dire-diretso, hindi mo na maiisip ang sentence mo because of the question.”

Nakiusap si Maja sa netizens, lalo na sa mga tagahanga nina Carlo at Angel, na tigilan na siya sa pamba-bash.

Walang dapat i-bash kasi napakatagal na panahon na ‘yun,” aniya pa.

Speaking of Carlo and Angelica, feeling nasa heaven ang pakiramdam ngayon ng dalawa, dahil ang pelikula nilang Exes Baggage ay isang blockbuster.

At sa katatapos lang na ABS-CBN Ball na ginanap noong Sabado sa Shangri-La, Makati ay sila ang hinirang bilang Star of the Night. O, ‘di ba, sunod-sunod ang magandang nangyayari  ngayon sa dalawa.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …