Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, muling nag-top sa klase

SA mga tinatamad nang mag-aral dahil malaki na ang kita nila at may anak na, tularan n’yo si Jodi Sta. Maria. 

Ang babaeng may anak na, hiwalay na sa asawa, napakayaman na, nakipag-break sa boyfriend nyang napakayaman din at guwapo (si Jolo Revilla), at 36 years old na, nagtitiyaga pa ring makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Pero ‘di naman talaga nagtitiyaga lang si Jodi sa pag-aaral n’ya ng Bachelor of Science in Psycholgy sa Southville International School and Colleges—kundi nagta-top pa siya sa lahat ng level ng paaralan.

Sa kanyang Instagram last week, ibinalita n’yang 3.8 ang GPA n’ya (grade point average) out of a possible highest na 4.0. Ipinaskil n’ya ang video na kuha sa kanya habang tumatanggap ng certificate na siya ang may pinakamataas na grade sa eskuwelahang ‘yon ngayong school term.

Mangiyak-ngiyak siya sa tuwa. Pangalawang pagkakataon na n’yang maging topnotcher. Noong June 2017 siya nagsimulang mag-aral s Southville.

Pagtatapat n’ya sa caption ng kanyang video: “These past years of taking up a pre-med course has molded me, trained me, tested me… but here I am almost at the end of the race as I finish my last year of undergrad studies.”

Pangarap ni Jodi na maging doktor na kanser ang espesyalidad. Psychology ang pinili n’yang pre-medical course. Wala talaga siyang balak tumigil sa pag-aaral— pati na rin sa pag-aartista, siyempre pa, para suportahan financially ang pag-aaral n’ya.

She went on: “I’ve played many roles in my life — an actor, daughter and most importantly being a mother. But being a student had me seeking out one of the most important gifts from God — the chance to pursue my BS Psychology degree. Each subject I had was an opportunity to develop myself and achieve new accomplishments.”

Patuloy n’ya: “With every challenge and experience, God prepared me and taught me to run my race without quitting. I have learned to be receptive to the whole process, more aware of what I am learning and why.

“I want you to know how exciting and stimulating an education can be. With a grateful heart, I am beyond happy to share with you that I was able to finish this semester with flying colors.

Thank you, God for the gift of perseverance, patience, and the eagerness to learn and become a student of life. I am just at the start of what will be an even greater journey, and I am excited where it will take me. One year na lang… push pa more!”

Nagtapos na ang teleserye nina Jodi, Robin Padilla, at Richard Yap na Sana Dalawa ang Puso, na dalawa ang papel n’ya: isang mayamang babae at isang pobre (kambal na nahiwalay noong mga sanggol pa lang sila).

Ang ama ng 12-year-old son ni Jodi ay si Pampi Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson. Ilang taon na rin silang hiwalay at kasalukuyang nagpapa-annul ng kanilang kasal. Magkaibigan sila, pati na ang live-in partner ni Pampi na dati ring aktres.

Tiyak na kaya laging ipino-post ni Jodi ang college achievements n’ya ay ‘di para ipagmalaki ang sarili n’ya kundi para ma-inspire ang mga tagahanga n’ya, pati na ang madla.

Ang Southville InternationalnSchool ay nasa BF Homes sa Paranaque.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED Rni Rommel Gonzales ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya …

Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YANni Ambet Nabus LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. …

Carla Abellana Dr Reginald Santos Tom Rodriguez

Tom at Carla unforgettable ang December 27 

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …