Wednesday , December 8 2021
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions

Action movies, bubuhaying muli ng Imus Productions

WOW! Nabuhay muli ang Imus Productions na binansagang ‘home of action movies’ ng Icon na si Ramon Revilla Sr. or Don Ramon. Senator Ramon, ang Agimat King. Basta artista malapot ang dugong artista na dumadaloy sa angkan ng Revilla family. Kesehodang payat o mataba, maliit o matangkad, ay malakas ang kaway ng showbiz.

Kaya ilang taong nawala sa sirkulasyon ang Imus Productions dahil maraming pagsubok ang nangyari sa mga Bautista-Revilla family. Sa awa ng Diyos, ang lahat ng pagsubok ay nalagpasan na nila. Kaya heto na, buhay na buhay na at gagawa ng maraming pelikula ang movie outfit and of course, maraming magkakaroon ng trabaho at kahit paano, malaking tulong sa mga pamilya ng ilang mga co-worker sa showbiz na karamihan ay ilang taon ding nabakante.

Mismong ang poging aktor na si Senator Bong Revilla, ang kanilang amang si Don Ramon, mga kapatid na sina Marlon, Andeng Ynares, at  Princess Revilla ang nasa likod ng pagsisimula ng Imus Productions.  Ang first movie na ipalalabas ay sa October na ang playdate entitled, Tres, isang trilogy movie na Revilla children ang magbibida, na wala kang itulak kabigin dahil puro mga pogi like Luigi, look-a-like ni Sen Bong sa Amats with his leading ladies na sina Assunta de Rossi at Myrtle Sarrosa, directed by Dondon Santos; 72 Hours ni Vice Gov. Jolo with Rhian Ramos, Bacoor Mayor Lani Mercado, Albert Martinez, Phillip Salvador, at Tirso Cruz III, directed by Dondon Santos, at ang Virgo ni Bryan with Carla Humphries at Joey Marquez under the helm of Richard Somes.

Regarding Luigi, kahit saang anggulo mo sipatin pogi talaga siya, petite, flawless only 26 years old, sa Ateneo siya nagtapos ng elementary at high school. Sa isang international school naman siya nagtapos sa Taguig City ng Degree in Entrepreneurship.

 (LETTY CELI)

About Letty Celi

Check Also

Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. …

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

Gabbi Garcia, Khalil Ramos

Khalil at Gabbi sa Bora ang selebrasyon ng kaarawan

I-FLEXni Jun Nardo BORACAY ang destinasyon ng showbiz couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa 23rd birthday celebration …

Blind Item Corner

Matinee idol bargain na ang presyo

HATAWANni Ed de Leon  “BARGAIN na ngayon si matinee idol, P20K na lang siya. Kapresyo na …

Nora Aunor Comelec

Party list ni Nora binutata ng Comelec

HATAWANni Ed de Leon NAKASAMA ang party list ni Nora Aunor, iyong NORA A, sa listahan ng 127 party …

Leave a Reply