Tuesday , October 19 2021
Jennifer Garner Peppermint

Husay sa action, muling ipinamalas ni Jennifer Garner sa Peppermint

HINDI dapat maliitin ang kakayahan ng isang babaeng napagkaitan ng katarungan.

Ang action thriller na Peppermint na pinagbibidahan ni Jennifer Garner ay tungkol kay Riley North, isang babae na nagkamalay mula sa pagkaka-coma at nalaman niyang hindi nakaligtas ang asawa at 10 taong gulang na unica hija sa isang drive-by shooting sa karnibal. Dahil malinaw niyang naaalala ang mga pangyayari, nakipagtulungan siya sa mga pulis upang matukoy ang mga salarin.  Subalit ang mga tiwaling hukom at pulis na bayaran ng makapangyarihang drug cartel ay nagsabwatan para mabalewala ang kanyang testimonya at tuluyang mabasura ang kaso.

Dala ng kanyang matinding poot, sinanay ni Riley ang isipan at katawan para sa pakikipaglaban.  Ilang taon siyang nagtago, at sa kanyang pagbabalik, isa na siyang mapusok na vigilante na hindi magawang masukol ng mga pulis.  Hindi siya tumigil hangga’t hindi siya nakapaghihiganti sa mga taong nagkait sa kanya ng hustisiya.

Si Pierre Morel, ang kilalang director ng Taken at The Gunman ay pumayag agad na idirehe ang pelikulang ito dahil nagustuhan niya ang idea kung paano mababago ng isang trahedya ang pagkatao ng isang ordinaryong tao.  Aniya, ”Trying to figure out how a regular human being reacts when hit with such a dramatic and brutal situation was compelling to me.”  

Hindi rin pinalampas ni Garner ang papel na ito kahit na 11 taon na ang nakalilipas nang huli siyang sumabak sa action scenes. Ang aktres ay nakilala sa TV series na Alias, at action-heavy feature films tulad ng Elektra at The Kingdom.  

Para magampanan ang kanyang karakter, mahabang oras sa bawat araw ang ginugol ni Garner para magsanay ng iba’t ibang estilo ng pakikipaglaban gaya ng Krav Maga at boxing at mayroon din siyang weight training.  Tinuruan din siya ng mga miyembro ng Navy Seals para sa tamang paghawak at paggamit ng iba’t ibang armas.

Ayon kay direk Morel tamang-tama ang timing ng pagdating ng pelikulang ito sa buhay ni Garner na isa na ring ina.  Dahil dito makatotohanan ang naging pagganap niya sa kanyang karakter.  ”This role feels like it came at the exact right moment in her life, she truly is that kind and committed Mom who lives for her family and has a deep connection to the emotion of the story. That connection helps us believe that after such terrible loss someone could snap and come back as somebody else and basically take out everybody involved.”

Inamin ni Garner na napag-usapan nila ni direk Morel kung tama ba ang maghiganti, at nagkasundo sila na ito ay isang komplikado at interesanteng tema na magandang talakayin sa isang action film.

Mapapanood na ang PEPPERMINT sa mga sinehan nationwide handog ng Viva International Pictures at MVP Entertainment.

About hataw tabloid

Check Also

Blind Item gay sex

AKTOR WALANG TAKOT MAKIPAG-SEX BASTA MAY BAYAD

INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na …

Jomari Yllana, Abby Viduya, Priscilla Almeda

JOMARI YLLANA MARAMING PROJECTS ANG PINALAMPAS PARA SA SERBISYO PUBLIKO

HARD TALK!ni Pilar Mateo OCTOBER 11 noong ipagdiwang nila ang anibersaryo ng pagiging sila. Nagsimula …

Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Jodi Sta. Maria, Raymart Santiago

PIOLO & SHAINA SWEET-SWEETAN; SPOTTED IN BOHOL WITH JODI & RAYMART

FACT SHEETni Reggee Bonoan MAY kasabihan, ‘action speaks louder than voice’ pero base sa viral photos nina Piolo …

Ping Lacson, Outstanding Public Servant, PMPC, Star Awards

PING LACSON MAY PANGAKO SA SHOWBIZ PRESS

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMING showbiz friends ang humanga kay Senator at Presidential Candidate Ping …

Mother Lily Monteverde, Regal

Mother Lily may panawagan — Let us help save our movies, our theaters, our entertainment industry

I-FLEXni Jun Nardo OPTIMISTIC ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde na maka-”bounce back and become better!” Bahagi …

Leave a Reply