Wednesday , December 8 2021
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions

Bryan, nagdalawang-isip na balikan ang showbiz

HINDI itinanggi ng panganay nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado na si Bryan na medyo nagdalawang-isip siya sa paggawa ng pelikula o muling pagsabak sa pag-arte.

Isa sa bida si Bryan sa trilogy ng Tres, ang Virgo, na handog ng Imus Productions kasama sina Jolo para sa episode na 72 Hours at si Luigi para naman sa Amats.

Taong 2007 pa pala huling gumawa ng pelikula si ­Bryan (Resiklo) at hindi nito itinangging sobra siyang na-excite sa Virgo dahil sa grabeng action movie talaga ito.

“It was our dad who conceptualized the project, na mag-serve as comeback film din ng aming family owned film production, Imus Productions,”  ani Bryan. ”Obvious na pinlano ng Dad naming na gawin itong rilogy, consisting of three episodes, where each of us, will have his own individual episode.”

Ang Virgo ni Bryan ay idinirehe ni Richard Somes kasama sina Carla Humphries at Joey Marquez.

Sinabi pa ni Bryan na hindi niya puwedeng hindi pagbigyan ang request ng ama nila na gawin ang Tres at makatulong para buhayin ang action film sa industry.

Hindi naman niya itinangging medyo kinalawang na siya dahil mahigit sampung taon na nga naman siyang hindi uma­aarte. Pero thankful kay Direk Richard na talagang tumulong sa kanya para magawa ng maayos ang mga eksena.

Sa 72 Hours ni Jolo ay may special participation si Lani kaya natanong si Bryan kung hindi ba siya nangtampo sa kanilang ina?

“Alam ko namang mahal ako ng nanay ko. So those things don’t really matter,” nangingiting sagot nito.

Sinabi pa ni Bryan na mahirap kalimutan at iwanan ang isang hanapbuhay na kinagisnan at mahal ng kanilang pamilya, ang pag-arte at paggawa ng action movie.

Ang Tres ay mapapanood na sa Oktubre 3 handog ng Imus Productions at ire-release ng Star Cinema.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Ineendosong produkto ni Kris, sold out agad
Ineendosong produkto ni Kris, sold out agad

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. …

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

Gabbi Garcia, Khalil Ramos

Khalil at Gabbi sa Bora ang selebrasyon ng kaarawan

I-FLEXni Jun Nardo BORACAY ang destinasyon ng showbiz couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa 23rd birthday celebration …

Blind Item Corner

Matinee idol bargain na ang presyo

HATAWANni Ed de Leon  “BARGAIN na ngayon si matinee idol, P20K na lang siya. Kapresyo na …

Nora Aunor Comelec

Party list ni Nora binutata ng Comelec

HATAWANni Ed de Leon NAKASAMA ang party list ni Nora Aunor, iyong NORA A, sa listahan ng 127 party …

Leave a Reply