Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Asintado Julia Montes Shaina Magdayao Lorna Tolentino Nonie Buencamino Agot Isidro Aljur Abrenica Cherry Pie Picache
Asintado Julia Montes Shaina Magdayao Lorna Tolentino Nonie Buencamino Agot Isidro Aljur Abrenica Cherry Pie Picache

Agot, sinupalpal ni Lorna

NASILIP namin ang Friday episode ng programang Asintado nina Julia Montes at Shaina Magdayao kasama sina Lorna Tolentino, Nonie Buen­camino, Agot Isidro, Ryle Santiago, Desiree del Valle, Aljur Abrenica at iba pa.

Pareho na palang nagsisilbi sa bayan sina Nonie bilang gobernador ng Bulacan at mayora naman ang asawang si Agot na hindi pa annulled ang kasal.

Nagpupuyos sa galit si Lorna dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya nagagamit ang inaasam-asam niyang maging opisyal na Mrs. Del Mundo dahil hindi naasikaso ni Nonie ang annulment nila ni Agot.

Kaya naman sa courtesy call ng mga mayor sa gobernador ay muling nagkabanggaan sina Lorna at Agot dahil nang kapanayamin ng reporters si Nonie kung ano ang masasabi niya sa pagkapanalo ng tunay na Mrs. Del Mundo ay sinabi niyang natutuwa siya dahil nakatulong ang mga natutuhan nito sa kanya.

Mukhang may ibang plano si Agot dahil sinabi niya na kulang pa ang mga natutuhan niya at kung puwede ay turuan pa siya ng asawa pagkatapos ng office hours.

Humiling ang reporters ng picture taking nina Mr. and Mrs. Del Mundo at pumuwesto si Lorna at sabay hawak kay Nonie pero sinupalpal siya ni Agot, “what are you dong?  Ang sabi Mrs. Del Mundo ako ‘yun.” Kaya walang nagawa ang common law wife kundi tumabi at halatang may maitim na balak.

Ngayong araw, Lunes ay dudukutin ni Lorna si Julia nang magpang-abot sila sa sementeryo para dalawin si Gael (Paulo Avelino) dahil may karapatan siya bilang asawa bagay na ayaw pumayag pa rin ng una kaya sinaktan niya at inakalang buntis siya.

Pilit na pinaamin ni Lorna si Julia kung buntis siya sa anak nitong si Paulo pero itinanggi ito kaya kaya tinutukan ng una ng baril si Ana (Julia).

Sa mga serye ng ABS-CBN ay nasa ika-limang puwesto ang Asintado na may 517,959 views sa IwantTV at lahat ng komentong nabasa namin ay nami-miss na nila si Gael (Paulo) at galit na galit sila kay Miranda (Lorna). Siyempre kontrabida ang karakter ng aktres alangan namang matuwa ang manonood.

Nanatiling mataas ang ratings ng Asintado dahil nakaka-pitong buwan na ito at mahaba pa ang takbo ng kuwento.

Rater talaga si Julia Montes, ‘di ba ateng Maricris?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Panginginig ni Pepe, huling-huli ni Ritz
Panginginig ni Pepe, huling-huli ni Ritz
The Hopeful Romantic, Trailer pa lang patok na
The Hopeful Romantic, Trailer pa lang patok na
Pepe, pinagsisihan ang pag-alis sa Ang Probinsyano
Pepe, pinagsisihan ang pag-alis sa Ang Probinsyano
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …