Friday , March 24 2023
Pepe Herrera Ritz Azul The Hopeful Romantic
Pepe Herrera Ritz Azul The Hopeful Romantic

The Hopeful Romantic, Trailer pa lang patok na

SAMANTALA, sa peliku­lang The Hopeful Romantic, unang beses ni Pepe na maging bida at leading man ni Ritz Azul. 

Kuwento ni Benny sa karakter niya, “masarap din po palang magpanggap na Richie- rich sa pelikula.”

O ‘di ba, nakakayaman ‘yung sa Manila Hotel, sa Macarthur Suite kami, second expensive suite in the Manila Hotel,” saad naman ni Ritz.

Walang nobya at nanatiling virgin ang drama ni Pepe na isang valet parking attendant sa Manila Hotel na unang nakita si Ritz as Veronica na talagang umikot ang mga mata ng binata dahil sa angking ganda’t alindog ng dalaga.

Pero ang hindi alam ni Jess (Pepe) ay mahilig magpabili si Veronica (Ritz) ng kung ano-ano, sa madaling salita ay goldigger.

Eh, dahil hindi naman kaguwapuhan ang karakter ni Jess kaya nang makasama niya ng isang gabi si Veronica sa Macarthur suite ng Manila Hotel ay talagang inisip niyang siya na ang babaeng pakakasalan niya dahil naisuko na nito ang kanyang pagkalalaki.

Nakaaaliw ang trailer ng The Hopeful Romantic at sa katunayan sa loob lang ng isang linggo ay umabot na sa mahigit 9-M views at kulang 100 shares na.

Sabi nga ni Pepe, “Stay hopeful lang parati and faithful na magiging maganda (result sa box-office). Kasi so far po thankful kami sa magandang response sa trailer palang at ma-carry over po ‘yun sa full length film.”

Hindi naman itinangging pressured si Pepe sa pelikula dahil sa kanya nakasalalay ito, “feeling ko po kasi ang pressure ay normal part of life kung kaya nating tawanan na lang, eh, ‘di tawanan na lang. Yes, it’s pressured and I feel it and we’re saying ‘hi’ to it.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Panginginig ni Pepe, huling-huli ni Ritz
Panginginig ni Pepe, huling-huli ni Ritz
Agot, sinupalpal ni Lorna
Agot, sinupalpal ni Lorna
Pepe, pinagsisihan ang pag-alis sa Ang Probinsyano
Pepe, pinagsisihan ang pag-alis sa Ang Probinsyano

About Reggee Bonoan

Check Also

Salome Salvi

Salome Salvi, aminadong passion ang paggawa ng adult entertainment

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KILALA si Salome Salvi bilang adult content creator. Maraming boys ang …

Ysabel Ortega Beautéderm Rhea Tan

Ysabel Ortega proud maging endorser ng Beautéderm, thankful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega na sobra …

Gerald Anderson Julia Barretto Korina Sanchez 

Gerald tiniyak kay Korina: Julia pakakasalan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong …

Althea Ablan Shayne Sava Prince Clemente

Althea may umaaligid nang Prince Clemente; Shayne focus muna sa career

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO ang Sparkle artist na si Althea Ablan na mabigat ang kamay niya. Kaya naman sa …

Ara Mina

Ara isinantabi muna ang pagbubuntis, tututok sa career

I-FLEXni Jun Nardo IDOLO ni Ara Mina ang foreign host na si Oprah Winfrey mula noon hanggang ngayon. Eh …

Leave a Reply