Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buy Bust, kumita na ng mahigit P100-M kahit napirata na

NALUNGKOT si Anne Curtis dahil napirata na ang pelikula niyang Buy Bust at naka-post pa sa social media.

I-tinag si Anne ng netizen na si @mckinleynocon, ”I’m randomly checking facebook and saw this. Might as well have your team check the pages and the names, I reported it already as well.  #NoToFilmPiracy.

Base naman sa post ni Anne sa kanyang 10.5M followers sa Twitter”Kaloka! Ung mga ginagawa ito. Sana ma-realize nyo we worked on this film for 2 years. Tapos ganun lang?”

Oo nga, ang laki ng hirap ng Team Buy Bust tapos mapipirata lang?

Naip­alabas na ang Buy Bust nitong Agosto 1 at sa loob ng dalawang linggong pagpapalabas nito ay hindi umabot sa P100-M ang kinita.

At dahil may 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival kaya tinanggal ang Buy Bust at muling ibinalik pagkalipas ng isang linggo.

Sabi sa press release, due to insistent public demand kaya ibinalik ang Buy Bust sa mga sinehan at marami naman talagang nanonood pa kaya naman nagpalabas na ang Viva Films na umabot na sa mahigit P100-M ang kinikita ngayon ng pelikula ni Anne na idinirehe ni Erik Matti.

Kumita na ang Viva sa Buy Bust dahil nabili na ito ng Netflix at naipalabas na rin sa maraming bansa, ayon na rin sa aming source.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Onanay, ‘di makaporma sa NaK ng JoshLia
Onanay, ‘di makaporma sa NaK ng JoshLia
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …