Saturday , November 16 2024

Anti-Leni survey boomerang kay Bongbong

TILA bala ng baril na nag-backfire la­ban kay dating senador Bongbong Marcos nang makailang beses luma­mang si Vice President Leni Robredo sa pa-survey ng kanilang mga taga­suporta sa Twitter.

Sa obserbasyon ng ilang netizens, naging tampulan ng kantiyaw sa social media nang mag-backfire ang nasabing Twitter polls, gaya ng isang pa-survey na gina­wa ng Twitter user na si @SenImeeMarcos — na umano’y pinatatakbo ng isang “loyal supporter” ng kapatid ni Bongbong na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Sa nasabing Twitter poll, tinanong ang neti­zens kung sino ang kani­lang VP. Nang lumarga ang mga boto para kay Robredo, na nakakuha nang hanggang 71%, ini-delete ng nasabing user ang kaniyang Twitter poll. Pero nagtangkang mag­simula muli ng kapa­rehong pa-survey, bago nag-private ng kaniyang account.

Ang Twitter user na­man na @WeAreUnited­DDS ay nagpa-poll gamit ang tanong na: “Kung magre-resign si PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) bilang Presi­den­te, sino ang gusto ninyong pumalit sa kanya?”

Sa halos 11,000 votes ay malaki rin ang naging lamang ng Bise Presiden­te, na nakakuha nang hang­gang 86%. Binura na rin ng nasabing user ang kaniyang Twitter poll, at gumawa ng bagong sur­vey.

Lumabas ang nasa­bing Twitter polls sa gitna ng pambabatikos na nakuha ni Imee patung­kol sa kaniyang komento na dapat nang mag-”move on” ang mga Filipi­no sa mga isyu ng pagna­nakaw at pang-aabuso na nakakabit sa ama nilang si dating pangulong Fer­dinand Marcos.

Ayon sa gobernador, naka-”move on” na raw ang mga kabataan o mil­lennials, mula sa mga isyung ito, at dapat rin malampasan ng kaniyang mga kahenerasyon.

Pero mariing itinanggi ito ng millennials at uma­ni ng batikos ang nasabing komento, sa iba pang sektor.

Ayon sa human rights group na Karapatan, isang ‘delusion’ ang pana­naw na ito ni Imee.

Dagdag nila, hindi maaaring makausad ang mga Filipino hangga‘t hindi naihahain ang hus­tisya para sa mga biktima ng pang-aabuso noong Martial Law.

Binara rin ng youth group na Samahan ng Progresibong Kabataan o Spark si Imee, at ipina­alala na millennials mis­mo ang nanguna sa mga protesta laban sa pagli­libing sa kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani noong 2016.

Bumuwelta ang mga kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan laban sa naging pahayag ni Imee, at sinabing nag­papakita ito na walang bahid ng pagsisisi o pana­nagutan ang anak ng pumanaw na diktador.

Iginiit ni Sen. Risa Hontiveros, at iba pang senador mula sa opo­sisyon, na dapat munang isauli ng mga Marcos ang kanilang ninakaw sa kaban ng bayan, at hu­mingi ng tawad para sa libo-libong human rights abuses.

Ayon sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), na namamahala sa pagba­balik ng ill-gotten wealth, umaabot sa $10 bilyon ang nakulimbat ng mga Marcos. Tinatayang P170 bilyon pa lang rito ang na-recover sa loob ng 30 taon.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *