Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
robin padilla
robin padilla

Robin, tuloy na ang pagtakbo sa 2019

OBVIOUS na aprubado kay Robin Padilla ang pagkakasali niya sa 24-man senatorial lineup na ini-release ng PDP-Laban sa 2019 elections.

Kabilang nga ang action star sa listahang inilabas ni Senator Koko Pimentel, bagama’t habang isinusulat namin ito’y kailangan pang aprubahan ‘yon ni Pangulong Duterte.

Sa totoo lang, may kalalagyan si Robin pagdating sa araw ng botohan. Bukod sa sinasabing “name recognition” na malaking bentahe ng isang kilalang kandidato, marami nang nagawa si Robin para sa ating mga kababayan, the most recent of which ay ang iniabot niyang tulong pinansiyal dulot ng giyera sa Marawi City.

Pasok din sa banga, ‘ika nga, si Robin sa mga kapatid nating Muslim. Hindi man siya ang tiyak na mangunguna sa mga senatoriable ay wala naman siya sa tail end (No. 12 0 13) na nanganganib pang malaglag.

Pero kung sasariwain natin ang pahayag noon ni Robin, hindi niya kailangang pumasok sa politika para makatulong sa taumbayan.

Ang pagkakasama ng kanyang pangalan—na siyempre’y may basbas mula sa kanya—ay maliwanag na salungat sa kanyang deklarasyon.

Ano’t nagbago ang isip ni Robin? May nagtulak ba sa kanya para magbago ang kanyang pasya?

Alam ng lahat na mabigat ang puwesto bilang Senador. Handa ba si Robin o may sapat na kakayahan para makipagsabayan sa mataas na lebel ng mga makakasama niya?

Hindi sa nagiging mapanghusga kami, o nagmemenos sa kung anong mayroon o wala kay Robin. Kilala kasi ang action star sa pagiging makata ek-ek kung magbitiw ng mga salita, na hindi lahat ng mga Pinoy ay bumibilib.

Prangkahan lang.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …