Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alaska bagong simula nang wala si ‘The Beast’

BUBUKSAN ng Alaska Aces ang bagong yugto sa kasay­sayan ng prangkisa nito nang wala na ang dating star player na si Calvin Abueva sa pakiki­pagtuos kontra sa Meralco sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena ngayon.

Nakatakda ang sagupaan sa 7:00 ng gabi na tatangkain ng Aces na masungkit ang unang panalo kontra sa Bolts na hangad maipagpag ang masa­kit na kabiguan noong nakara­ang Linggo.

Matatandaang noong naka­ra­ang buwan ay tuluyan nang winakasan ng Aces ang anim na taong pagsasama nila ni Abueva nang itulak ito patungo sa Phoenix Fuel Masters kapalit si Karl Dehesa at ang first round pick sa 2019 PBA Rookie Draft.

Sa kabutihang palad, may masasandalang bagong lider ang Alaska sa katauhan ni Vic Manuel na inako ang kargada sa opensa ng Aces sa katatapos na Commissioner’s Cup.

Noon ay naglalaro na wala ang suspendidong si Abueva bago ang naturang trade, si Manuel na matalik na kaibigan ni Abueva ang nagtimon sa atake ng Aces tungo sa pagtata­pos nila sa eliminasyon bilang second seed.

Kinapos sa semi-finals ang Alaska kontra sa San Miguel ngunit kinabiliban si Manuel matapos semegunda sa karera ng Best Player of the Conference sa nagwaging si June Mar Fajar­do.

Inaasahan ni coach Alex Compton na makakuha ng suporta si Manuel mula sa kina Jeron Teng, Jvee Casio, Simon Enciso at ang pambatong import na si Mike Harris.

Ngunit hindi biro ang haha­rang sa kanilang daan sa katau­han ng Bolts lalo’t sabik itong maiganti agad ang masalimuot na 90-92 kabiguan kontra Talk ‘N Text.

Yumukod ang Meralco kahit solido ang naging laro ng 2-time Best Import na si Allen Durham kontra sa KaTropa na nagpapa­rada ng All-Filipino line-up.

Magugunitang noong naka­­raang Biyernes ay sinibak agad ng TNT ang import nitong si Mike Glover matapos magkasya sa malamyang 11 puntos at 15 rebounds tungo sa 90-103 kabiguan kontra sa NLEX.

Ito ang dahilan kaya’t All-Filipino ang sumabak na TNT squad kontra sa Meralco at sa kabutihang palad ay nakalusot sa likod ng super locals na sina Terrence Romeo at Jayson Castro.

Iyon ang pagkatalong nais ipagpag agad ng Meralco ngayon.

Upang matupad ito ay aasa si coach Norman Black na matulungan ng local players na sina Chris Newsome, Baser Amer, Cliff Hodge at KG Canaleta ang nahihirapang import nila na si Durham.

Sa kabilang banda, naka­hanap na ng kapalit ni Glover ang TNT sa katauhan ni Stacy Davis para sa laban nila ng Blackwater sa unang laro sa 4:30 ng hapon.

Aalalayan si Davis nina Romeo, Castro, Troy Rosario, Roger Pogoy at Kelly Williams para sa ikalawang sunod na panalo ng KaTropa.

Sa kabilang banda, sasandal ulit ang Blackwater sa residen­teng import nito na si Henry Walker sa tulong nina Mac Belo, Allen Maliksi, Raymar Jose at Mike DiGregorio.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …