Thursday , May 1 2025

Gin Kings hari ulit ng Commissioners’s Cup

MAKALIPAS ang 21 taon ay hari na ulit, sa wakas, ng PBA Commissioner’s Cup ang Barangay Ginebra.

Ito ay matapos sibakin ng Gin Kings ang nagdedede­pensang kampeon na San Miguel Beermen sa Game 6, 93-77, para sa kampeonato ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa harap ng 20,490 fans sa Mall of Asia Arena, Pasay City kama­kalawa.

Naiiwan pa sa 35-38 pagka­tapos ng first half, sumakay ang Gin Kings sa malaking 27-8 ratsada sa third quarter upang makapagtayo ng 62-46 abante papasok sa huling kanto.

Hindi na bumitaw pa sa manibela ang crowd darling na Barangay Ginebra buhat noon tungo sa unang Commissioner’s Cup championship simula noong 1997.

Siyang pinarangalang Best Import ngayong conference, trinangkuhan ni Justin Brownlee ang atake ng Gin Kings sa likod ng kanyang kompletong 31 puntos, 19 rebounds, 7 assists, 2 steals at 4 blocks.

Sumuporta sa kanya ang hinirang na Finals Most Valuable Player na si Scottie Thompson sa inilista nitong 12 puntos, 13 rebounds at limang assists habang may 13 at 11 puntos din sina Joe Devance at LA sa ibinuhos na 13 at 11 pun­tos, ayon sa pagkaka­sunod.

Ito na ang ikatlong kam­peonato ng Gin Kings sa loob ng tatlong taon buhat nang maging coach ang pinakamatagumpay na mentor sa kasaysayan na si Tim Cone.

Si Cone, sa kabilang banda, ay sinikwat ang kanyang ika-21 na titulo buhat sa kanyang 29-taong karera sa PBA.

Naging coach din si Cone ng Alaska at Purefoods kung saan siya nagwagi ng tig-isang grand­slam.

Bunsod nito, ang Ginebra ang kauna-unahang koponan na nakatalo sa San Miguel sa nakalipas na tatlong taon at kalahati.

Magugunitang simula nang hawakan ni head coach Leo Austria noong 2014 ay hindi pa natalo ang Beermen sa unang six Finals series nito upang maka­pagtayo ng dinastiya sa PBA bago malasap ang masakit na unang kabiguan ngayon sa kamay ng determinadong Gin Kings.

Nauwi sa wala ang 29 at 24 puntos nina Best Player of the Conference June Mar Fajardo at import na si Renaldo Balkman para sa Beermen.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Ronald Dableo Chess

Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 …

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PORMAL nang ipinahayag ng MVP Group, na pinamumunuan ni chairman at matatag na tagasuporta ng …

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *