Wednesday , November 12 2025

Roque dapat mag-aral pa ng batas — Lagman

NAKALIMUTAN na ni Presidential spokesman Harry Roque ang kanyang pinag-aralan sa pagka-attorney mula nang siya ay naging spokesman ni Pangulong Rodrigo Du­terte.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang sinabi ni Roque na hindi kailangang patunayan ni Duterte ang akusasyon niya na ang Naga ay naging “hotbed of shabu” ay paglapastangan sa alitintunin ng batas na kung sino ang nag-akusa ay siya rin dapat ang mag­patunay sa aku­sa­syon niya.

Ayon kay Roque hindi raw dapat maging balat sibuyas ang mga taga-Naga na naglabas ng pag­ka­desmaya sa paratang ni Duterte.

Nauna nang sinabi ni Duterte na ang Naga City ay pugad ng droga.

Ani Lagman, ang aku­sasyon ay walang ba­ta­yan at walang mga pangalan ng umano’y mga drug lord na nagpa­patakbo ng ilegal na ope­rasyon sa bayan ni Vice President Leni Robredo.

Wala rin aniyang dokumento na nagpapa­tunay sa dami ng shabu na nahuli sa Naga at kung ilan ang nahuling mga ‘adik’ na nasa reha­bilitation centers.

Ang akusasyon na walang basehan ay pa­rang guniguni na walang bahagi sa batas.

Ayon sa Naga City Council, “irresponsable at walang basehan” ang akusasyon ni Duterte.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …