Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, nakatutulala sa Miss Granny

READ: Talent ng STEP, puwedeng panlaban sa TnT at The Voice
READ: Lani at MPO, sanib-puwersa sa isang anniversary concert

TAMA ang tinuran ni Direk Joy Bernal na matutulala ka sa galing na ipinakita ni Sarah Geronimo sa Miss Granny, pinakabagong handog ng Viva Films na mapapanood na simula ngayong araw.

Umapaw sa rami ng mga kaibigan, fans, at nagmamahal kay Sarah noong Lunes ng gabi ang red carpet premiere night ng Miss Granny na isinagawa sa Trinoma Cinema.

Umalipaw­paw ang tawanan sa mga ilang eksena sa Miss Granny na ginampanan ni Sarah ang pinabatang role ni Nova Villa na lola ni James Reid at ina ni Nonie Buen­camino.

Umiyak, tumawa, at sumayaw sa pelikulang ito na hindi masasayang ang ibabayad ninyo sa mga sinehan dahil napakaganda ng istorya gayundin ang mga musikang iparirinig ng Pop Royalty.

Ang Miss Granny na pinagbibidahan ni Sarah ay ang Pinoy adaption ng South Korean blockbuster hit na ito rin ang titulo.

Kasama ring mapapanood sa pelikula sina Xian Lim, Lotlot de Leon, at iba pa.

May nakapagsabi ngang makababawi sa Miss Granny si Sarah dahil ang galing-galing niyang aktres dito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …