Sunday , December 5 2021

Talent ng STEP, puwedeng panlaban sa TnT at The Voice

READ: Sarah, nakatutulala sa Miss Granny
READ: Lani at MPO, sanib-puwersa sa isang anniversary concert

MALAKAS man ang ulan, napasugod pa rin kami sa Tanghalang Pasigueno para sa Philippines Search for Stars, isang talent search handog ng Star Entertainment Production & Talent Management (STEP).

Nag-enjoy kami sa panonood sa mga bagets na nagpakita ng kanilang talent sa pagkanta at pagsayaw. At sa galing nga mga bata, puwede silang ipanlaban sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime o The Voice ng ABS-CBN.

May kanya-kanyang team ang mga bagets, Team Jomari at Team Mimosa na siyang mga naging mentor ng mga contestant.

Itinanghal na Big Winner si Karol Josef Martinez, 12, matapos talunin ang nakasama niya sa Top 5 na sina Adea Naidine Solon, 13; Andrea Gicel Aguilar, 9; Joven Pascual, at Joana Marie Abraham.

Sa unang pagpili ng Top 5 nanguna si Joven na nakakuha ng 96.25 percent at sinundan siya ni Karol Josel na mayroong 93.25 percent, at pumangatlo si Andrea na nakakuha ng 77 percent.

At sa muling pagtutunggali ng lima, si Karol Josef na ang nakakuha ng unang puwesto.

Ang STEP ay pinamamahalaan nina Roselyn Jorta (president at CEO), Bianca Foster (executive producer), Lester Dimaranan (creative director), at Cielo Dizon (PR at talent manager).

Anang STEP, naiiba sila sa mga ibang production and talent management dahil, ”We have the most comprehensive workshops for talents of all levels, from new faces to professionals. We utilize cutting edge technology to bridge and unite aspiring and professional talents with top TV networks and advertising agencies.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Leave a Reply