UMABOT na sa 600% ang congestion rate sa mga bilangguan sa buong bansa bunsod nang walang tigil na kampanya kontra illegal drugs.
Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Aniya ang pang-isahang selda ay naglalaman ng anim na detainees dahilan upang magsiksikan ang mga nakakulong.
Sa datos na hawak ni Año, may 111,000 preso ang tinaguriang deprived of puberty at 70,000 ay nahaharap sa drug-related cases.
Malaki aniya ang naging epekto nito sa anti-crime drive ng gobyerno upang makamit ang 21 percent reduction sa crime volume ngayong taon gayong marami ang nabawas sa mga potensiyal na masasamang elemento na makagawa ng krimen na may kaugnayan sa droga.
Binigyan diin ng kalihim, malaki ang naitulong ng war on drugs ng administrasyong Duterte sa 21% pagbaba ng antas ng kriminalidad sa bansa.
(ROSE NOVENARIO)