Sunday , October 1 2023

Poe sa DILG: Contract tracing paigtingin

UMAASA si Sen. Grace Poe na mas magiging epektibo ang implemen­ta­syon ng contract tracing sa pamumuno ng Department of Interior and Local Government (DILG), na may P5 bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One bill.

“Importante talaga ang contact tracing at importante sa contact tracing, siyempre mayroon kayong kakayahan na gawin ‘yan, na mayroon kayong mga tauhan na gagawa niyan,” ani Poe,.

Isa si Poe sa mga senador na nagsusulong para pondohan ang inisyatibo para sa panukalang Bayanihan 2.

Sa panayam sa kanya sa radyo nitong Sabado, sinabi ng mambabatas na ang mga local government officials ang mas naka­kikilala sa kanilang mga nasasakupan at mas may alam kung paano matutukoy ang mga taong naka­salamuha ng isang virus carrier.

Puwedeng i-tap ng DILG ang barangay health workers, mga taong nakatatanggap ng conditional cash transfers, o iyong mga nawalan ng trabaho bilang contact tracers sa komunidad, ayon kay Poe.

“Lahat ‘yan, ang magdedesisyon, ang DILG kasama ang local governments. Unang-una, nakapagbigay ka na ng trabaho. Pangalawa, natutunton pa kung sino-sino ang mga nagkaroon ng CoVid-19 para ma-isolate sila at hindi na makahawa,” aniya.

Ikinalulungkot ng senador ang mabagal na aksiyon ng Department of Health (DOH) ukol sa contact tracing kahit mayroong bilyon-bilyong pondo. Nakatulong sana ito nang malaki sa pagpigil sa pagkalat ng pandemya sa simula pa lamang.

“Alam naman natin ang naging isyu ng Department of Health. Ang daming mga naging problema. Mayroon silang P200 bilyon na hindi man lang nila nagagamit o naipapamahagi, tapos ang pera na ginamit pa nila hindi naman napunta sa tamang sitwasyon. So nag-isip kami sinong gagawa ng contact tracing,” ani Poe.

“Maging successful lamang ang tracing kung may tiwala ang mga mamamayan sa ating public health officials, kung magbibigay sila ng tamang impormasyon, at susunod sa health protocols sa lahat ng oras,” dagdag ng senadora.

Idiniin ni Poe, ang importansiya ng contact tracing bilang isang napakahalaga at subok na estratehiya sa pagpigil sa pagkalat ng virus.

Aniya, ang pagkakaroon ng hukbo ng mga contact tracer ay makatutulong sa bansa na makuha ang isang imporatnteng patient-to-close contacts ratio na mabisang paraan upang labanan ang pandemya.

Inaasahan ng senador na epektibong magagawa ng DILG ang bagay na ito at regular na makapag-uulat sa Kongreso kung paano ginagamit ang pondong nakalaan sa contact tracing.

Bukod dito, isinulong ni Poe ang pagbibigay ng tulong sa mga tsuper ng jeepney at iba pang pampublikong transporta­syon na nawalan ng hanapbuhay.

Isa sa kanyang itinutulak ay kontratahin sila ng gobyerno para maging service o tulungan sila para makapagnegosyo.

Magbibigay din ng pondo ang Bayanihan 2 para sa mga guro na nanga­ngailangan ng ayuda sa distance learning na bagong paraan ng edukasyon. Gayondin, may badyet na nakalaan para tulungan ang mga micro, small, at medium enterprises. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *