Thursday , February 2 2023
911 emergency call center, ilulunsad sa Bulacan Micka Bautista

911 emergency call center, ilulunsad sa Bulacan

GAGANAPIN sa dara­ting na Huwebes, 28 Oktubre, ang paglu­lunsad ng 911 Emergency Hotline sa Bulacan Capital Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, na layuning palakasin ang proyektong Bulacan Rescue na aalalay sa mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna.

Maaari nang itawag ang mga emergency kabilang ang medikal, (atake sa puso, stroke atbp.), aksidente, sunog, gumuhong gusali, at mga natural na sakuna gaya ng baha, bagyo, at lindol na nangangailangan ng agarang responde.

Nakasaad sa Executive Order No. 56, T’2018 na itinatalaga ang 911 bilang pambansang hotline na maaaring tawagan sa panahon ng sakuna at inaatasan din ang lahat ng pama­ha­laang lokal na magkaroon ng lokal na 911 call center na libre ang pagtawag, sa pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (LGU) at Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).

“This will not defeat the purpose of the Bulacan 566, pwede pa rin pong tawagan ang numerong ito para sa pagresponde sa mga emergency 24/7. Ito pong ilulunsad natin na 911 hotline ay katuwang ng 566 sa pagpapanatili ng pampublikong kaayusan at seguridad at pagpigil sa kriminalidad.  Ngayon po sa pag-dial ng 911, kahit walang load, walang problema, mas pinabilis din po and waiting time dahil sa Go Live,” ani Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Aniya, sa pamamagi­tan ng Go Live 911 gamit ang software na Touch­point, direktang maitata­wag sa mga pinakamalapit na reresponde ang emergency upang higit na masuri ang sitwasyon at mapabilis ang pag­res­ponde.

Ayon sa PDRRMO, nakapagsagawa na sila ng PLDT 911 Seminar-Orientation noong 8 Nobyembre 2019; sertipi­kado na rin ang lahat ng empleyado ng C4 bilang Emergency Communicator noong 23 Disyembre 2019; nakapagsagawa ng Emergency Telecommunicator Certification Training noong 13 hanggang 17 Enero 13, 2020; nag-inspeksiyon na rin ang Emergency 911 national office ng DILG sa pama­halaang panla­lawigan para sa aplika­syon nito sa lokal na paggamit ng 911 hotline noong 21 Hunyo 2021 at ito ay naaprobahan.

Nitong 12-15 Oktubre, sumailalim ang mga empleyado ng Bula­can Rescue sa pagsasanay sa Call Handling at Emergency Dispatch para sa Bulacan 911 Operation.

“Handa na po ang ating Bulacan Rescue upang magserbisyo sa ating mga mamamayan. Hinihiling lang po natin sa ating mga kababayan na gamitin ang hotline 911 sa mga lehitimong emergency, ‘wag po nating gamitin sa panloloko kasi puwedeng sa oras ng pagtawag ng manloloko ay meron talagang may emergency na hindi makapasok,” paliwanag ni Fernando.

Sasailalim ang Bulacan 911 emergency sa Bulacan Rescue – Communications, Command and Control Center (C4) ng PDRRMO.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

ronald bato dela rosa pnp

Smuggling ng mamahalin, de-kalibreng baril ikinabahala

NAGKAKAROON ba ng firearms smuggling sa bansa? Ito ang tanong Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa …

Drivers license card LTO

Nang-araro ng mga sasakyan
DRIVER NG SUV TATANGGALAN NG LISENSIYA

TATANGGALAN na ng lisensiya ang driver ng SUV na umararo ng 12 sasakyan na ikinasugat …

modern jeep

May-ari ng overloading na modern jeep, ipinatawag ng LTFRB

NAGLABAS ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa …

Naty Castro

Bansag na ‘terorista’ ng ATC kay Doc Naty pinalagan

KINONDENA ni House Deputy Minority leader Rep. France Castro ng ACT Teachers party-list ang pagbabansag …

Rex Gatchalian DSWD

Rex Gatchalian bagong DSWD secretary

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si  Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian (1st district) …