Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

12 sasakyan ng quarry firm sinilaban ng NPA

UMAABOT sa 12 sasakyan ang sinu­nog ng 20 miyembro ng New People Army (NPA) nang salakayin ang isang quarry site habang malakas ang buhos ng ulan sa San Mateo, Rizal.

Nabatid sa ulat ng pu­lisya, inamin ng Nar­ciso Antazo Aramil Com­mand ng NPA, na 20 kasamahan nila ang uma­take sa Monte Rock Corp. sa Brgy. Guitnang Bayan sa loob ng dalawang oras.

Sa naantalang ulat ng pulisya, nangyari ang pagsalakay isang araw makaraan tumama ang Habagat na nagresulta ng pagbaha sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal, na isinisisi sa quarrying sa San Mateo at Rodriguez ng mga residente.

Sinunog ng mga rebel­de ang ilang truck, apat na backhoe, bull­dozers at dinisarmahan ang mga security guard ng kom­panya.

Habang kinomiprma ni Supt. Vic Amante, hepe ng San Mateo PNP, 12 sasakyan ng kompanya ang winasak ng mga sumalakay na rebelde.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang nasabing mga rebelde.

ni ED MORENO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …