Thursday , May 1 2025

NCRPO nakatutok sa unibersidad at kolehiyo sa ‘Red October’ ouster plot

PATULOY na mino-monitor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila na sinasa­bing pinagrerekrutan ng CPP-NPA para sa kanilang planong “Red October” na magpapabagsak kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Kasunod ito sa inilabas na listahan ng mga paaralan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na pa­wang nasa Metro Manila.

Binigyang linaw ni NCRPO Regional Director Guillermo Eleazar, walang magaganap na pag-aresto at pagpasok sa mga paara­lan makaraan matanggap ang impormasyon sa militar.

Tiniyak ng NCRPO chief, patuloy na magba­ban­tay ang pulisya at magkakaroon ng pag-aresto kapag may mga paglabag silang makikita tulad ng paggawa ng rebel­yon o pag-iingat ng mga kontrabando.

Aniya, nananatili pa ring nasa heightened alert ang NCRPO kasunod nang nangyaring pagsabog sa Lamitan, Basilan nitong Agosto na ikinamatay ng 10 katao.

Walang natatanggap na impormasyon ang pamu­nuan ng University of Makati kaugnay sa inilalatag na “Red October” ouster plot ng CPP-NPA laban kay Pangulong Duterte.

Ito ang paglilinaw ni UMAK president Tomas Lopez nang mapabilang ang unibersidad sa listahan ng AFP.

Inihayag ni Lopez na pinahahalagahan nila ang karapatan sa pamama­hayag ng kanilang mga estudyante at igina­galang ang prinsipyo ng demo­krasya na isinasaad ng Konstitusyon.

Dagdag niya, bilang local academic institution, hindi sila lumalahok sa ano­mang uri ng pamo­molitika.

Sa inilabas na imporma­syon ng AFP, kabilang ang University of Makati sa 18 kolehiyo at unibersidad na pinagsasagawaan umano ng recruitment ng CPP-NPA sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga pelikula tungkol sa martial law at paghahambing kay Pangulong Duterte kay dating Presidente Ferdinand Marcos. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Batangas Money

Batangas SP iimbestigahan educational aid sa lalawigan

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala ang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas sa estilo ng pagkaltas sa …

GameZone 1

GameZone sets Tongits battlefield with GTCC: Summer Showdown

Participant of 2024 Tongits Champions Cup celebrating. GameZone ignites the summer season with the sizzling …

Darren David vs Sandoval Malabon

Mag-asawang Sandoval, kinasuhan sa Good Friday campaign

SINAMPAHAN ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) ang mag-asawang sina Malabon City Mayor Jeannie …

043025 Hataw Frontpage

89-anyos beteranong mamamahayag, pinaslang sa Kalibo

HATAW News Team BINARIL at napaslangang chairman emeritus ng Publishers Association of the Philippines Inc. …

Lito Lapid Coco Martin

Coco, Lito nag-motorcade sa ilang palengke sa QC

MULING nagkasama sina Supremo Senador Lito Lapid at Coco Martin sa isinagawang  motorcade sa ilang palengke sa Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *