READ: Bangkay inanod sa Marikina
READ: Lola, lolo nalunod sa Kyusi
READ: Baha sa Metro Manila humupa na: Red alert nakataas pa rin — NDRRMC
UMABOT sa P120 milyones ang halaga ng ayudang naipamahagi ng gobyerno sa mga sinalanta ng baha bunsod nang walang puknat na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na dalawang araw.
“As of 6am, 11 August, a total of P120,409,360.92 worth of assistance was provided by the Office of Civil Defense (OCD), the Department of Social Welfare and Development (DSWD), the Department of Health (DOH), LGUs (local government units), NGOs (non-government organizations), and other organizations to the affected families of Regions I, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, NCR, and CAR,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Nagpasalamat ang Palasyo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, sa private sector at volunteers sa kanilang patuloy na pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan na apektado ng pagbaha.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 961 areas ang nakaranas ng pagbaha sa Regions I, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, X, CAR, at NCR ngunit 762 lugar ay hindi na lubog sa baha.
Payo ng Malacañang sa publiko, manatiling alerto at nakatutok sa mga abiso ng mga lokal na pamahalaan.
“Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga ahensiya ng gobyerno upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente at tiyakin ang kaligtasan ng lahat.”
(ROSE NOVENARIO)