READ: Dahilan ng pagkalugi ng mga pelikula, isiniwalat ni Diño
READ: The Day After Valentine’s, Graded A ng CEB
BIG fan pala ni Coco Martin at ng FPJ’s Ang Probinsyano itong si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque. Aba biruin ninyo, handa siyang iwan ang kanyang trabaho sa Malacanang o iwan si Pangulong Rodrigo Roa-Duterte kapag inalok siyang lumabas sa action serye ni Coco.
Sa isang media get together noong Martes, hindi ikinaila ni Roque na pangarap niyang lumabas sa FPJAP ng ABS-CBN. Kaya naman nagkakatawanan sa lamesa namin dahil kung makailang beses nitong binanggit ang action serye ni Coco.
Kasama kasi namin sa lamesa sina Manay Lolit Solis, Tita Noi Calderon, at iba pa na masasabing maka-GMAkaya nasabi ng una na, ‘naku magtatampo ang mga AlDub niyan at GMA.’
Kaya naman biglang bawi si Roque at sinabing nanonood din siya ng GMA show. ”Actually po sa balita, ang pinanonood ko po ay ‘24 Oras.’”
Malapit sa showbiz si Roque dahil marami sa mga kaibigan niya ay taga-showbiz tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Claudine Barretto at iba pa. May mga nagawa na rin siyang collaborative work sa ibang grupo sa entertainment industry.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio