Wednesday , May 22 2024

Dahilan ng pagkalugi ng mga pelikula, isiniwalat ni Diño

READ: Harry Roque, iiwan si Duterte ‘pag kinuha sa FPJ’s Ang Probinsyano
READ: The Day After Valentine’s, Graded A ng CEB

KAPANSIN-PANSIN ang sunod-sunod na ‘di pagkita ng mga pelikula. Hindi na namin iisa-isahin pa kung ano-ano ang mga iyon. Bagkus, tinanong na lang namin si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman Liza DiñoSeguerra sa mga dahilan kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula.

Nakausap namin si Diño sa launching ng Six Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 Special Features Films at ang unang nasabi niyang dahilan ay ang windowing.

“Windowing. Meaning, napakaimportante ng windows. First window is theatrical.

“Second is ibang platform let’s say cable, TV. You have to give enough time para ma-exploit mo ang theatrical realease mo.”

Idinagdag pa ni Diño na, ”Kung halimbawa in three months ipalalabas mo na siya (movie) sa TV or sa mga boxes (cable), it would really change the behavior of the audience.

“Kasi ang ine-expect nila bakit sila magbabayad ng P200 eh in three months mapapanood ko na siya sa TV?

“Sampung magkakapamilya pa kami.

“Malaking bagay ‘yun na nakaka-distruct ng behavior ng audience.”

Paliwanag pa ng FDCP Chair na hindi pa rin nawawala ang problema sa piracy.

At napag-alaman naming ang mga nabanggit na ito ni Dino na problema ay idi-discuss niya sa mga producer na sana’y mabigyang solusyon dahil nakalulungkot isiping kakaunti sa rami ng pelikulang ginagawa ang kumikita.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

Nash Aguas Mika dela Cruz Angelica dela Cruz 

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …

Jeric Gonzales Ruffy Biazon Trina Biazon Muntinlupa

Jeric Gonzales haharanahin mga Natatanging Ina ng Muntinlupa

RATED Rni Rommel Gonzales PASASAYAHIN at pakikiligin ni Jeric Gonzales ang mga taga-Muntinlupa City dahil haharanahin ng …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor pa-victim ang drama, matapos magtago super pa-interview na

I-FLEXni Jun Nardo VISIBLE ngayon sa showbiz events ang isang aktor na nasangkot sa isang malaking kontrobersiya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *