Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Halik” nina Jericho, Sam, Yam, at Yen pinakamapusok na teleserye ng Taon

Sa darating na Lunes, 13 Agosto ay magsisimula nang bumida sa ABS-CBN primetime bida ang apat sa mahuhusay na artista sa Kapamilya network na sina Jericho Rosales, Sam Milby, Yam Concepcion, at Yen Santos sa sinasabing mapusok na teleserye ng taon na “Halik.”

At bongga dahil idea pala ni Ma’am Charo Santos ang title ng serye na pinasikat ng grupong Aegis, na agad niyang ipinagawa sa isa sa kanilang business unit head sa net­work na si Direk Ruel S. Bayani.

And knowing Direk Ruel expertise, niya ang mga ganitong klase o tema ng teleserye na bago sa panlasa ng mga manonood. At may kani-kani­yang des­cription ng halik itong sina Jericho at Yam. Si Echo naghanap ng ibang klaseng halik na aminadong nag­lo­ko minsan kahit na kasal na sa kan­yang magandang wife na si Kim Jones.

Masyado na­man daw nasara­pan si Yam sa mga eksenang halikan nila ni Jericho na gumaganap na husband niya sa Halik. Pero susubukin ng matinding pagsubok ang relasyon ng dalawa kung saan makikilala ni Yam si Sam na married naman kay Yen at itong si Yen naman ay may nakaraan kay Jericho. Muli kayang matukso ang isa’t isa?

Sina Sam at Yen ay may matinding love scene rin dito. Saan hahantong ang relasyon ng dalawang mag-asawa. Umpisa palang ang ingay-ingay na ng nasabing teleserye na siguradong magpapainit ng inyong gabi. Kokompleto sa pala­bang cast ng “Halik” ang ilan sa pinaka­magaling na beterano at baguhang artista sa bansa kabilang sina Amy Austria, Alan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane De Leon, at Gab Lagman.

Sina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga ang mga direktor ng programa. Huwag kalimutang panoorin ang “Halik” gabi-gabi, sa Primetime Bida sa ABS-CBN pagkatapos ng “Bagani” simula sa susunod na Lunes, 13 Agosto 2018.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …