Monday , May 12 2025
duterte gun
duterte gun

Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)

IMBES matuwa sa pagbabalik-loob ng mga amasonang New People’s Army (NPA), pang-iinsulto sa kanilang pagkababae ang ipinasalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ina-gurasyon ng ARMSCOR shooting range sa Davao City, mayroon pang ikatlong batch ng mga nagsisukong rebelde ang kanyang makakasama sa meryenda sa susunod na linggo sa Palasyo at hindi siya mag-aatubiling sabihing muli sa harap ng mga rebelde na barilin sa ari.

Sa dalawang beses na merienda salu-salo ng Pangulo sa mga amasona, inihayag niya, hindi na niya ipapatay sa mga sundalo ang mga maaarestong babaeng rebelde sa halip ay ipababaril na lamang sa pribadong bahagi ng katawan ng babae.

Kahapon, binigyan-diin niya na pang-uuyam o pang-iinsulto lamang ang kanyang layunin nang banggitin sa harap ng mga nagsisukong rebelde na barilin sa ari ang mga amasona.

Desmayado umano ang Pangulo dahil panay panganganak lamang ang ginagawa ng mga rebelde at iniiwan ang mga anak saka mamundok para makibaka laban sa gobyerno.

Umani ng batikos mula sa iba’t ibang women’s group ang tinawag nilang pang-iinsulto ng Pangulo sa ari ng  kababaihan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Elections

Init ng ulo ‘wag pairalin ngayong botohan 

I-FLEXni Jun Nardo ELECTION day! Hmm, alam na ninyo kung sino ang dapat iboto, huh! …

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *