Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dengue vaccine Dengvaxia money

Dengvaxia scare bantayan (Payo ng consumers’ group)

HABANG isinasampa ang mga kaso laban sa mga taong sinabing sang­kot sa Dengvaxia, nanawagan ang isang grupo sa mga magulang na maging mapagmatyag at suriing mabuti kung sino ang mga dapat paniwalaan.

READ: Noynoy, 20 pa
inasunto sa electioneering
(Sa Dengvaxia)

READ: Responsable
sa Dengvaxia scam
may kalalagyan

Sa isang pahayag ng Consumer-Commuter Association of the Philippines (CCAP), pinaalalahanan ng grupo na nakasasama ang pagpapakalat ng mga maling balita hinggil sa Dengvaxia lalo na yaong nagpapakalat ng mga balita na umano’y namatay hinggil sa bakuna.

READ:
Anomalya sa Dengvaxia
ikakanta ng DOH exec
(Star witness ng VACC)

Batay sa tala ng World Health Organization, wala pa ni isa mang namatay na mga bata na naturukan ng Dengvaxia.

Ito rin ang opisyal na pahayag ng expert panel ng Department of Health na nagsuri sa mga bangkay ng 14 bata na sinabing namatay dahil sa severe dengue.

Sinabi ng DOH, namatay sa ibang kadahilanan ang mga bata at hindi sa Dengvaxia, isang bakuna laban sa dengue.

READ: Nabakunahan
ng Dengvaxia babalikan
ng DoH

Ayon sa CCAP, pakana umano ng ilang mga personalidad na hangad ang 15 minutes-of-fame na ipakalat ang umano’y nakasasamang bunga ng bakuna gayong wala pa naman kompirmadong namatay dahil dito.

Ilan sa mga nagpakalat ay isang doktora Susie Mercado na aminadong walang alam hinggil sa dengue at Dengvaxia ngunit nagsasalita ng mga bagay tungkol sa sakit at ipinalalabas na siya ay eksperto.

Sa tala ng WHO, experto sa tobacco at mental abuse si Mercado at walang ni isa mang karanasan hinggil sa mass o public vaccination. Wala rin research o pagsusuring ginawa si Mercado hinggil sa dengue o sa Dengvaxia.

Napag-alaman na pinagretiro nang maaga ng WHO si Mercado matapos magkaroon ng problema sa tanyag na health organization sa mundo. Napuna ng WHO ang labis-labis na pagpunta sa ibang bansa ni Mercado gamit ang pondo ng organisasyon.

Binalak umano ni Mercado na tumakbo sa isang posisyon sa WHO pero nabigo dahil sa kakulangan ng karanasan. Kasama rin sa kompanyang Neuron si Mercado na isang events agency na naglalako ng kanilang serbisyo sa DOH lalo sa panahon ni dating kalihim Paulyn Ubial.

Hindi naman umano fellow ng Philippine College of Cardiology si Dr. Tony Leachon na nagpapakilalang cardiologist pero madalas nagpapa-interbyu sa media gayong hindi rin siya epidemiologist o eksperto sa bakuna. Katunayan, hindi umano naipasa ni Leachon ang cardiology specialty boards.

Sinabi ng CCAP na huwag agad-agad maniwala sa mga tao na nais lamang manakot sa taongbayan na apektado ng public vaccination program ng DOH.

Noong Enero, nagdeklara ng measles outbreak si Davao city mayor Sarah Duterte makaraang tatlong bata ang namatay at mahigit 300 daan ang iniulat na nagkaroon ng tigdas. Patuloy ang monitoring sa sitwasyon ng Region 11 sa Davao.

Noong 9 Pebrero, si Zamboanga city Mayor Isabelle Climaco-Salazar naman ang nagdeklara ng measles outbreak sa kanyang siyudad matapos tumaas nang lampas 1,000 porsiyento ang bilang ng mga nagkatigdas sa Zamboanga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …