Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MRT spare parts dumating na

UMAASA si Senadora Grace Poe na maiibsan nang kaunti ang paghihirap ng mga pasahero ng MRT 3 makaraan iulat ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdating ng unang batch ng nabiling spare parts para sa mga sirang train.

Bukod dito, kompiyansa si Poe na mayroong komprehensibong plano ang pamahalaan para ayusin ang serbisyo ng MRT 3 para sa mga pasahero.

Ayon kay Poe, buo pa rin ang tiwala niya sa pamahalaan na isasaalang-alang at titiyakin na walang buhay ang mala-lagay sa panganib.

“Nagpapasalamat tayo sa DOTr sa pagkakaroon ng puso para sa daan libong pasahero ng MRT-3, lalo sa mga may kapansanan, matatanda, buntis at ang mga pasaherong umuuwi sa kani-kanilang mga probinsiya sa kagustuhang mapabilis ang kanilang biyahe dahil sa tindi ng trapik sa Metro Manila,” ani Poe

Pinayohan ni Poe ang DOTr na dapat matiyak na maipagkakaloob sa kompanyang mayroong sapat na kaalaman at kapasidad ukol sa railway operation, ang maintenance ng MRT 3.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …