Friday , May 24 2024

Grace Poe: “Maligayang Pasko sa inyong lahat!”

NAGPASALAMAT si Senador Grace Poe sa pagiging No. 1 niya sa mga survey nitong Nobyembre at sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iniakda niyang First 1000 Days na magpapalakas sa nutrisyon ng lahat ng bata sa unang 1,000 araw ng kanilang buhay.

“Doble biyaya po ang pangunguna ko sa mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong 12-18 Nobyembre 2018 at Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong

7-17 Nobyembre 2018 at sa paglagda ng ating Pangulo sa Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act noong nakaraang 29 Nobyembre,” ani Poe.

“Kaya binabati ko po ang mamamayang Filipino ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!”

Nagpasalamat din si Poe sa nakaalala sa araw ng kamatayan ng kanyang amang aktor na si Fernado Poe Jr. (FPJ) noong nakaraang 14 Disyembre na dinalaw nila ng kanyang inang aktres na si Susan Roces sa Manila North Cemetery.

“Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa pag-alaala ng pagpanaw ni FPJ. Parangalan natin ang kanyang naging buhay sa pagpapatuloy ng pagtulong sa kapwa, lalong-lalo na sa nanga­ngailangan nang walang hinihintay na kapalit,” ani Poe “Ipanalangin po natin si Da King sa araw na ito.”

“Iniaalay ko sa alaala ng aking amang si FPJ ang pet bill kong ito na inaatasan ang pamahalaan na gawing prayoridad ang nutrisyon ng mga buntis at nagpapasusong mga ina, lahat ng sanggol at mga bata,” dagdag ni Poe.

Na­niniwala ang mga eksperto sa politika na kung ngayon ga­gawin ang ha­lalan para sa Senado ay ma­ga­ang na mangu­nguna o magiging topnotcher si Poe.

About hataw tabloid

Check Also

Mr DIY Brigada Pagbasa 1

Teachers for a Day: MR.DIY, World Vision, empower Baseco Youth through ‘Brigada Pagbasa’

Volunteers from MR.DIY engaging in fun activities with 34 schoolchildren from the Sen. Benigno Aquino …

Lovi Poe SCD Skin Care Gracee Angeles

Lovi Poe kinutya sa kulay, pagiging flat chested; nasabihan pang ‘You won’t make it’

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATIKIM pala ng panlalait si Lovi Poe noong bago-bago pa lamang siya …

Krystall Herbal Oil

Pinapak ng maliliit at pulang langgam guminhawa  sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Magandang araw …

Lovi Poe Grace Angeles

Lovi ‘di iiwan ang showbiz kahit may asawa na

I-FLEXni Jun Nardo NAG-RENEW muli ng kontrata si Lovi Poe bilang brand ambassador ng SCD beauty at slimming products. …

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

DOST SETUP MSME marks significant invention in the Abaca Industry

TO UPGRADE the technological capabilities and improve the productivity and efficiency of MSMEs in the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *