Wednesday , March 22 2023

Sen. Poe, tiyak na No. 1 (“FPJ magic” taglay pa rin)

KUNG ngayon gagawin ang halalan para sa Senado, tiyak na si Sen. Grace Poe ang magiging topnotcher base sa resulta ng mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong 12-18 Nobyembre 2018 at Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong 7-17 Nobyembre 2018.

Nanguna si Poe sa Pulso ng Pilipino pre-poll senatorial survey ng The Center sa pagkuha ng 61 percent (%) sa tinanong na 1, 200 katao samantala nakopo ng senadora ang RMN survey sa tinanong na 3,382 katao na tinasa ng prestihiyosong Publicus Asia Inc. na pag-aari ng kilalang political analyst na si Malou Tiquia.

Nagpasalamat si Poe sa pangunguna sa RMN survey sa natamong 72 % lalo’t marami sa mga tinanong ay tagapakinig mula sa Visayas at Mindanao.

“Malakas talaga si Grace Poe sa Mindanao, alam naman natin lahat iyan,” ayon sa isang insider sa RMN.

“Nang maglaban nga sila ni Presidente Duterte noong 2016 si Grace Poe ang nag-No. 1 sa Mindanao.”

Sinabi naman ng political operator na si Perry Callanta, malinaw na gumagana pa rin ang “FPJ Magic” kay Poe kaya laging nangunguna sa mga survey.

“Malaki ang nagawa ng mahika ng yumaong ama ni Sen. Grace Poe na si FPJ kaya lagi siyang No. 1 sa mga survey,” ani Callanta.

“Kitang-kita rin ito dahil sa top rated na ‘Probin­siyano’ sa ABS-CBN ay panglima si Lito Lapid sa survey ng RMN at pang-anim sa survey ng The Center. Malaki ang nagawa ng papel ni Lapid sa ‘Probinsiyano’ ka­ya umangat siya sa surveys.”

Sa RMN survey, pu­mangalawa si Pia Caye­tano (62%), pangatlo si Sen. Cynthia Villar  (55%), pang-apat si Sen. Nancy Binay (52%) na sinundan ni Lapid sa nakuhang 47%.

Pang-anim si Sen. Sonny Anga­ra sa (42%) nasa No. 7 spot si dating Philip­pine National chief Roland “Bato” Dela Rosa sa (41%) at No. 8 si dating senador Serge Osmeña (41%).

Nasa No. 9 spot si Sen. Bam Aquino, No. 10 si Sen. JV Ejercito at No. 11 si dating senador Jinggoy Estrada na pawang nakakuha ng 40% sa mga boto.

Pang-12 naman si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kapantay si Sen. Aquilino Pimentel III sa natamong 37%.

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply