Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sana Dalawa Ang Puso, trending pa rin 

HINDI na kami magtataka kung pumapalo kaagad sa ratings game at nagti-trending ang bagong seryeng Sana Dalawa Ang Puso dahil talagang inaabangan ito ng loyalistang supporters nina Richard Yap at Jodi Sta. Mari bukod pa kay Robin Padilla.

Kuwento nga ng pinsan naming nasa Amerika, tatlong beses kung panoorin ng lola Lila Salonga namin ang Sana Dalawa ang Puso sa isang araw kaya tinanong namin kung puwede ba iyon.

Sabi sa amin, “grabe ang saya ni mama ‘cuz, sa isang araw tatlong beses pinanonood, may IPTV at Jeepney TV kami.”

At maging ang mga nag-o-opisina na hindi napapanood ang SDAP ay sa IWantTV naman pinanonood pagdating nila sa gabi kaya nasa 4th slot bilang pinakamaraming nanonood.

Mainit na pinagkukuwentuhan ang mga karakter nina Mona at Lisa (Jodi), Martin (Richard), at Leo (Robin) dahil iba ang hatid na saya sa kanila kapag pinanonood nila lalo na ang aktres na tuwang-tuwa sila dahil isang seryoso at isang komedyana.

“Aliw si Mona, in fairness kay Jodi, ang galing talaga niya, panalo ang tandem nila ni Kitkat na mukhang klown,” reaksiyon ng mga nanonood.

Base sa umeereng episode ng Sana Dalawa Ang Puso ay tumanggi na si Lisa (Jodi) na magpakasal kay Martin (Richard) dahil inakala nitong kinuha ang USB na naglalaman ng confidential files ng kompanya ng una kaya nakapaglabas na ang huli ng teaser sa social media ng bago nilang produkto.

Inakala rin ni Liza (Jodi) na inutusan naman ni Martin (Richard) si Leo (Robin) na kunin ang usb kaya nawawala ito.

Nataon naman na iniligtas ni Leo (Robin) si Liza (Jodi) sa mga taong gusto siyang dukutin, pero imbes na magpasalamat ay inangilan pa ng dalaga ang binata.

Samantalang si Mona (Jodi) naman ay kinikilig nang makita si Martin (Richard) sa isang magazine na cover na inakalang mananabong kasi nga nakita niya rati sa sabungan.

Ipinakita rin sa teaser na aksidenteng nagkita sina Lisa at Mona (Jodi) ng dumikit ang mukha ng huli sa kotseng sakay ang una na ikinagulat nila.

Palaisipan sa manonod kasama na kami kung bakit nagkahiwalay ang kambal at bakit hindi ito ipinagtapat ng kanilang magulang o sino ang tunay na magulang nina Mona at Lisa?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …