“Huwag ma-kipagbuno sa mga baboy. Pareho kayong marurumihan at magugustuhan yon ng mga baboy!”
‘Yan ang pasakalye ni Kris Aquino sa sagot n’ya sa rating broadcaster at TV host na si Jay Sonza na tinawag na “baklain” ang anak nitong si Bimby sa isang post sa Facebook.
Actually, sa Ingles ang sagot ni Kris dahil ang pasakalye n’yang iyon ay isang quotation mula sa English writer na si George Bernard Shaw. Ang quotation na ‘yon ay: ”Never wrestle with pigs. You both get dirty and the pigs like it.”
Ang aktuwal na pahayag ng veteran broadcaster and television host ay:
“Hindi [ko] alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa Philippine media ngayon. Akalain mo nadulas lang sa swimming pool iyong baklaing si Bimby, anak ni Kris Aquino sa pangatlong kinasama niyang lalaki, headline ng maraming himpilan ng radio at telebisyon!”
Dahil sa tuwa ni Kris bilang ina, nag-post siya ng litrato ni Bimby sa ospital at masayang ibinalitang wala namang seryosong pinsala na nakuha ang anak n’ya. Ini-reprint sa mga dyaryo, balita sa telebisyon, at sa online news websites ang litrato at pahayag ni Kris.
Nag-react si Jay sa coverage ng media sa Facebook posting ni Kris.
Patuloy ng sagot ni Kris sa Facebook din: ”I strive to earn an honest living, pay my 35% in income tax as a responsible citizen, share my blessings by opening more food outlets that will provide more jobs, continue supporting feeding & outreach programs under the missions of my Catholic Faith, and above all else be the best mother i can be.
“My Mom didn’t raise me to just be a survivor, she raised me to be a deserving winner. Kick me down, and time has taught me—someone in heaven just makes sure to strengthen my wings. Positivity wins.”
At kaya naman “pangatlong kinasamang lalaki” ang description ni Jay sa ama ni Bimby na si James Yap, ang sikat na basketbolista ay dahil ang unang dalawang live-in boyfriends ni Kris ay sina Phillip Salvador at Joey Marquez.
Actually, may mga netizen naman na nabwisit sa Facebook shout-out na ‘yon ni Jay. Isang nagngangalang Alex Vista ang sumagot sa pagtawag ni Jay na “baklain” kay Bimby: ”What does his sexuality have to do with this? It saddens me that it comes from an older man like yourself, whom I suppose have a maturity to understand how things are, sexuality wise.”
May isang nagsabing huwag idamay si Bimby dahil 10 years old pa lang ito at inosente pa.
Dahil sa reaksiyon ng netizens, nagpaliwanag si Jay tungkol sa paggamit n’ya sa salitang “baklain. Aniya: ”Am sorry folks, but my translation and definition of ‘baklain’ is simply clumsy (as in madaling matisod, sumabit, matumba, matapilok, etc.) for lack of better translation when I wrote the post. It was not meant as others may mean it differently.”
Buhay na buhay ang social media dahil sa mga personalidad na gaya nina Kris, Jay, at Mocha Uson.
Sa gitna ng mga patutsadahan, sana ay matagpuan natin ang ating dignidad bilang mga tao na lalang ng napakabuting Diyos.