Kris Aquino Willie Revillame

TV special ni Willie sapol ng ECQ

I-FLEX
ni Jun Nardo

SAPUL ng parating na Enhanced Community Quarantine o ECQ ang naka-schedule na TV special sa August 8 ng isang shopping app na ihu-host ni Willie Revillame.

Sa August 6 ang simula ng ECQ sa Metro Manila at ibang lugar. Nakatakda ring maging co-host ni Willie si Kris Aquino sa August 8.

Wala pang announcement si Willie tungkol dito as of this writing.

Masunurin naman siya sa mga health protocol sa araw-araw na telecast ng game show. Kaya malay natin baka matuloy dahil he is not Willie Revillame for nothing, huh! Sayang din ang muling pagbabalik sa TV ni Kris!