Friday , November 22 2024

Ilegal ni Atong ipinatigil ni Digong

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinompronta niya ang gambling lord na si Charlie “Atong” Ang para ihinto ang mga trabahong ilegal at tumulong na lang sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo, walang ibang dahilan ang pagtawag niya kay Ang maliban sa ipatigil ang ilegal na gawain niya at papuntahin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang umayuda sa ahensiya.

“Ito si Atong, I was hearing, tinawag siya, tinawagan ko ‘yan siya. Sinabi ko, “Atong, ikaw ang number one na gambler dito sa Davao. Hawak mo lahat. Huwag tayong magbolahan. Pumunta ka doon sa PCSO, hintuin mo ‘yang lahat ng ilegal at tulungan mo ang gobyerno. That was the only reason why I called for Atong Ang, “ anang Pangulo sa kanyang talumpati sa NAIA bago magpunta sa India kahapon.

Ikinuwento ng Pangulo na pinagbantaan niya si Ang noong alkalde pa siya ng Davao City na huwag piliting magtayo ng jai-alai sa siyudad upang hindi sila magbanggaan.

 

“Many years ago. I do not want to mention the President. He wanted to set up a Jai Alai in Davao. Sabi ko sa kanya, “Kaibigan tayo. Huwag mong pilitin ‘yan. Mag-aaway lang tayo. Ayokong makipag-ano sa‘yo pero kung pilitin ‘yan na Jai Alai sa Davao talagang magka… Balita ka man na tigas ka, e ‘di ikaw,” dagdag niya.

Si Ang ay isa co-accused sa kasong plunder ni Manila Mayor Joseph Estrada at nasentensiyahan ng anim na taon pagkakulong, tumakas at nagtago sa US.

Naging Pagcor consultant si Ang noong rehimeng Estrada, ang kompanya niyang  Power Management and Consultancy ay binayaran ng P500,000 kada araw, bukod pa sa bonuses. Ang isa pa niyang kompanya, ang Prominent Management and Marketing ay naging consultant ng Pagcor sa Bingo 2-Ball, legal na prente ng jueteng na naging ugat ng alitan nila ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Nadakip si Ang sa Las Vegas noong 2001, nakulong nang isang taon at lumaya lamang maka­raan pumasok sa plea bargain, isinoli ang P25 milyon na kinuha sa P130-milyong tobacco excise tax bago idineliber kay Estrada.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *