Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine, pinalipad na sa London

PINAPUNTA na ng Viva Films sina James Reid at Nadine Lustre sa London nitong weekend (either Saturday or Sunday) para magsyuting ng ilang eksena ng pelikula nilang Never Not Love You.

Ayon sa news.abs-cbn.com, nag-post sa Facebook ang Viva Artists Agency (VAA), ang kompanyang namamahala sa career nina James at Nadine, ng mga litrato ng dalawa, pati na ang mga tao na mai-involve sa syuting. Pero ang nakita lang naming litrato ay ‘yung kina James at Nadine. Sa Instagram ng VAA namin nakita ang larawan. Mukhang masaya naman ang mag-sweetheart.

Sa pagpapapunta sa kanila roon, ibig sabihin ay totoo ang iginiit ni Nadine kamakailan sa Tonight with Boy Abunda  ng  ABS-CBN na tuloy ang pelikula kahit na may nakanselang syuting dahil umano sa paglalasing ni James sa isang bar the night before the scheduled shooting day.

Ang pahayag naman ni Nadine kay Boy Abunda, siya—hindi si James— ang may kasalanan kung bakit nakansela ang syuting.

Naging problematic ang kalusugan n’ya. Nadiskubre na mayroon siyang  inverted cervical curve sa leeg n’ya at sa kanyang scoliosis.

“Super sakit siya,” sabi ni Nadine tungkol sa bahaging ‘yon ng kanyang katawan

Walang binanggit sa report ng news.abs-cbn.com kung ilang araw mananatili sa London sina James at Nadine at kung kailan sila babalik sa Pilipinas.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …