Saturday , November 16 2024

Native animals panatilihin — Villar

BUNGA nang tumataas na kunsumo sa karne ng mga Filipino, isinusulong ni Sen. Cynthia Villar ang preserbasyon ng native animals na mas murang alagaan at mas madaling umayon sa nagbabagong klima ng bansa.

Sa budget hearing ng panukalang P50.5 milyong budget ng Department of Agriculture, sinabi ni Sec. Emmanuel Piñol, ang konsumo ng mga Filipino sa karne ay tumaas mula 15 kilos per capita hanggang 35 kilos per capita at ang imbentaryo ng 2.5 milyon baka ay hindi sapat upang pakainin ang 105 milyon populasyon.

“We should turn to native animals to help us feed the growing population. We have seen problems raising imported cows; our climate is changing and these animals cannot adapt. Whereas iyong ating native animals kayang-kaya nila ang climate change dito sa Filipinas. Siguro in our program, dapat i-emphasize din iyong native animals,” ani Villar na nanguna sa Finance Subcommittee hearing.

“And besides, sa native animals hindi sila bibili ng feeds kasi they can live on grass that we can plant. In effect, para sa mahihirap nating farmer, this is more sustainable kasi wala silang puhunan para bumili ng feeds, magtatanim na lang sila ng grass. May mga grass na high-protein na puwedeng magpalaki ng native animals. Let’s look at our native animals and let them grow in the Philippines,” dagdag niya.

Sa Senado, inihain ni Villar ang Senate Bill No. 144 o ang “Philippine Native Animal Development Act of 2016,” naglalayong isulong ang scientific propagation, processing, utilization at development ng Philippine native animals.

Inirerekomenda rin ng panukala ang pagbuo sa Philippine Native Animal Development Center (PNADC).

( NIÑO ACLAN )

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *