Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Dalagitang birthday gift na-gang rape

ARESTADO ang isa sa tatlong suspek na halinhinang gumahasa sa isang 15-anyos dalagita na ginawang regalo sa birthday party sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat ng San Mateo PNP, naaresto ang suspek na si Edrian Peregrino, 19, habang target ng manhunt operation ng mga awtoridad ang dalawa pang sina Adrian Padayao, 19, at Edgie Tamone, 20 anyos.

Habang inaresto rin ng mga pulis si Ella Tuesta, ang bading na sinasabing kaibigan ng mga suspek at pumili sa biktima para iregalo sa birthday.

Ayon sa kaanak ng biktima, linggo ng gabi nang magpaalam ang dalagita na pupunta sa isang birthday party kasama si Tuesta.

Ngunit nang malasing na ang lahat, ginahasa ang biktima ng isa sa mga suspek na may kaarawan. At pagkaraan ay ginahasa rin siya ng dalawa pang mga suspek habang may nakatutok na kutsilyo sa kanya.

Lunes nang madaling-araw, nagulat ang mga magulang ng biktima nang umuwi ang dalagitang puro pasa at galos ang katrawan.

( ED MORENO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …